top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Uso noong Dekada 50’s nagbabalik eksena na, ayon sa fashion gurus

1/27/25, 10:28 AM

Ni Samantha Faith Flores

Balik 1950’s.

Pihadong maraming senior citizens ang natutuwa sa pagbabalik ng mga fashion trends noong 1950’s sa eksena ng 2025.

Agree ang mga pasyonista, wardrobe stylist at fashion coaches na nagkakaroon na nga ng comeback ang mga usong damit at fashion accessories na sumikat noong panahon ng Baby Boomers, higit sa lahat ang mga in noong 1950’s.

Isa si Tali Kogan, sika tna fashion adviser, sa nagsasabing umikot na pabalik sa dati ang mga kinagigiliwang pananamit at fashion trend noong Dekada 50.

Ayon sa kanya ang moda noong 50’s ay tanggap na tanggap ng mga sumusunod sa uso, bata man o mga senior citizens na.
\
Ang tinatawag na vintage fashion ay hindi lamang sikat sa mga kababaihan, ngunit ginagaya na rin ng mga kalalakihan.

Ipinaliwanag ni Kogan na kapansin-pansin na na ang mga mall at dress shops ay nagdi-display na ng mga hindi masyadong formal at komportableng mga kasuotan na tinangkilik ng maraming taon matapos ang World War II hanggang sa kalagitnaan ng Dekada 60s.

Lagpas tuyod at palobong palda na pinaparisan ng V neck blouses ay nakakahalina sa paningin ng maraming tao, ayon sa fashion vlogger na si Kogan.

Pinaparisan ng mga cat eye sunglasses ang ganitong mga damit na tunay ngang nagpapa-alala ng Baby Boomer generation.

Inaasahan din na darating na sa uso ang mga buhok na plantsado ang pagkaka-ayos. Muli, ito ay marka ng Dekada 50’s.

Kung sa pantalon naman, baston na dark color na grey ay magbabalik na rin sa eksena.

Katunayan uso na ang ganitong pananamit sa mga teenager at nagbibinatang kalalakihan. Kapares nito ang rubber shoes na two-tone, kadalasan itim at puti naman.

Para sa sapatos, rekoimendado ng mga vintage 50’s na may strap sa bandang bukong-bukong. Ito ang in sa mga teenager at mga lagpas 20 anyos nang kababaihan .

Photo from manilastandard.net

Comments

Bagikan Pemikiran AndaJadilah yang pertama menulis komentar.
bottom of page