SENIOR CARE
Ten Outstanding Senior Citizens pinarangalan ng Ilocos Sur

2/13/26, 2:07 PM
VIGAN CITY, Ilocos Sur - Pinarangalan ng pamahalaang probinsya ng Ilocos Sur ang mga senior citizens sa isinagawang taunang “Tribune to Elderlies” program kamakailan.
Bahagi ng Ilocos Sur Festival 2026, kinilala ang mga nakatatanda sa probinsya dahil sa mahalagang kontribusyon nila sa kanilang lugar.
Binigyan parangal ang Top 10 Most Distinguished Senior Citizens ng probnisya.
Ang mga kinalala ay ang outstanding senior citizens mula sa Cervantes, Caoayan, San Esteban, Alilem, Nagbukel, San Emilio, Vigan City, Burgos at Candon City.
Tumanggap ng PhP10,000 ang bawat awardee, bukod sa plaque at sertipiko ng pagkilala.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Ilocos Sur Gov. Jeremias Singson na maraming dapat ipagpasalamat sa mga nakatatanda sa probinsya.
Ayon kay Singson pinahalagahan at ipinamana ng mga senior citizens sa mga kabataan ang Ilocano values.
“You carried Ilocos Sur through times of hardship and hope. You nurtured families, preserved our values and pass on traditions that continue to shape who we are as Ilocanos today,” pahayag ni gobernador.
Isa sa mga pinarangalan ay si Godofredo Borje na isang mahusay na panday.
Ayon sa kanya sinimulan niya ang pagpapanday dahil marami sa kanyang mga kababayan sa munisipyo ng Santa ang nangangailangan ng ganitong serbisyo.
Dahil sa kanyang pagtitiyaga, naisama ang pagpapanday sa One Town, One Product (OTOP) ng Santa na nasa ilalim ni Mayor Jeremy Jesus Bueno III.
