

SENIOR CARE
SSS magdaragdag ng pensyon ng mga retirado, disabled at survivorship beneficiaries
.png)
7/31/25, 1:16 PM
Nagpasya ang Social Security System na taasan ang mga pensyon sa loob ng tatlong taon simula sa Setyembre ng taong kasalukuyan.
Sa isang pahayag, sinabi ng SSS na ang retirement, disability at survivorship pensions ay madaragdagansa loob ng tatlong taunang bahagi simula 2025.
Ang mga nakatanggap ng retirement at disability pension ay magkakaroon ng dagdag na 10 porsiyentong dagdag sa Setyembre habang ang mga may survivor benefits naman ay uumentuhan ng 5 porsiyento.
Ang dagdag pensyon ay mauulit sa ganoong halaga sa Setyembre 2026 at Setyembre 2027.
Upang makatanggap ng nasabing umento, kailangan ang isang pensyonado ay kasama na sa listahan ng SSS simula Agosto ng taon kung kelan epektibo ang pagdagdag ng benepisyo.
Ayon sa SSS, bagamat ipapatupad nito ang pagtaas ng pension, hindi naman magkakaroon ng karagdagang kontribusyon sa loob ng tatlong taon kung kelan ipinatutupad ang progrma.
“This is made possible by strong cash flows from the completed contribution rate hikes mandated by the Social Security Act of 2018 - from 2019 to 2025 - as well as positive financial performance from January to April, 2025,” paliwanag ng ahensya.
Inaasahang ang reporma sa pensyon ay makapagpapasok ng PhP117.2 bilyon para sa consumer spending sa pamamagitan ng mga paggastos ng pensyonado. Dahil dito, inaasahanb ang paglago ng ekonomya sa loob ng tatlong taon.
“We are rolling out a rational and sustainable pension increase that uplifts all pensioners without compromising the fund’s actuarial soundness,” paliwanag ni SSS President Robert Joseph De Claro.
