

SENIOR CARE
South Korea kinilala ang kabayanihan ng mga sundalong Pinoy sa Korean War

7/16/25, 10:58 AM
Ni Samantha Faith Flores
Kinilala ng isang delegasyon ng Republic of Korea Army (ROKA) ang kabayanihan ng mga sundalong Pilipino na nakipag-laban sa panig ng South Korea noong Korean War.
Binigyan diin ng mga military officers ng South Korea na dahil sa ginawa ng Pilipinas, naging matibay ang relasyon pang military at pang-diplomatiko ng dalawang bansa.
Ayon kay Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala, binigyan parangal ang mga beterano sa Korean War sa pamamagitan ng wreath-laying ceremony nitong Lunes na isinagawa sa Korean War Memorial Pylon sa may Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
“The ceremony marked the beginning of the ROKA delegation’s three-day engagement with the PA, aimed at further strengthening bilateral cooperation between the Philippines and South Korea in building a stronger Army-to-Army partnership,” ;paliwanag ni Dema-ala.
“The (Army) remains committed to promotion international cooperation among light-minded nations to foster a unified and effective approach in addressing emerging security challenges ini the Indo-pacific region,” dagdag ng PA official.
Ayon sa kasaysayan, noong Hunyo 25, 1950, nagpadala ang Pilipinas ng Philippine Expeditionary Force to Korea (PEFTOK) upang suportahan ang South Korea na maipagtanggol ang kanilang kalayaan mula sa paglusob ng mg komunista.
Suportado ng United Nations Command na pinangunahan ng Estados Unidos ang South Korea simula ng sumiklab ang digmaan noong 1950 hanggang sa matapos ito noong 1953.
