top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Singaporean cardiologist, 93, ayaw pa mag-retire dahil 'boring' daw

1/31/24, 4:30 AM

NI MJ Blancaflor

Kakayanin mo pa kayang magtrabaho pagtuntong mo ng 90?

Umaani ng papuri sa social media ang Singaporean cardiologist na si Dr. Charles Toh Chai Soon dahil sa edad na 93 ay patuloy pa rin siyang nagtatrabaho upang mabigyan ng serbisyong medikal ang kanyang mga pasyente.

"Can you imagine doing nothing at all? Very boring," sagot ng doktor nang tanungin siya ng Singaporean news channel na CNA kung bakit hindi pa rin siya tumitigil sa trabaho.

Balo na si Dr Toh, habang ang kanyang tatlong anak ay may kaniya-kaniya ng pamilya.

Ito raw ang dahilan kung bakit mas marami siyang oras sa kanyang propesyon.

"As you get older, the volume of your patients goes down; it’s only natural. But I can't imagine doing nothing at home," sabi niya pa sa CNA.

"There are a lot of people who look forward to retirement, but once they retire, they find they are so bored," dagdag pa niya.

Pumapasok siya ng trabaho mula Lunes hanggang Biyernes, alas-nuebe ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Samantala, nasa clinic siya mula 9 a.m. hanggang 1 p.m. tuwing Sabado.

Tuwang-tuwa ang netizens sa doktor.

"Good on you, Dr Charles! You're one of the good examples. Keep going and be Happy in all that you do. Life is good," komento ng isang social media user sa ulat.

"It will be a waste of talent and experience if he fully retires. Young doctors need guidance with senior like Dr Charles Toh," sabi naman ng isa pa.

Samantala, may iilan namang nagpahayag ng pangamba sa kakayahan ng doktor na manggamot pa dahil sa kanyang edad.

Paglilinaw naman ng espesyalista, medical consultations lamang ang serbisyong iniaalok niya sa mga pasyente.

Hindi raw siya cardiac surgeon kaya hindi siya sumasabak sa mga operasyon sa puso, ayon na rin sa ulat.

Kung isa raw siyang surgeon, kakailanganin na raw niyang tumigil magtrabaho noon pa dahil kasama raw ito sa mga trabahong may limitasyon.

"Internal medicine is different because you’re giving an opinion; you’re not operating on people," ani Dr. Toh.

"Different professions have different demands, and in the end, expectations cannot be the same.

Photo from pinterest.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page