top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Pag-parachute ng mga seniors ngayong leap year, swerte ba?

12/31/23, 4:08 PM

Maligayang pagdating 2024 - taong bisyesto o leap year sa wikang Ingles!

Bago natin sagutin kung swerte ang sport na skydiving para sa mga senior citizens, basahin muna ang artikulo.

Batid ng nakararaming mga nilalang na ang leap year ay dumarating lamang tuwing ika-apat na taon. Kilala rin bilang taon ng paglundag, paglukso at pag-igtad, ngayon taon ay leap year at madaragdagan ng isang araw ang buwan ng Pebrero.

Bagamat alam ng karamihan, hindi lahat ay nakababatid kung bakit nagkakaroon ng taong bisyesto. Sa kalendaryong Gregoryano, ang dating 28 araw ng Pebrero ay magiging 29.

Ang pag-ikot sa araw ng ating planetang Earth sa haring araw ay may eksaktong sukat na 365.25 na araw at tinatawag ito na isang “solar year”. Dapat sana 365 na araw at anim na oras ang isang taon ngunit nagpasya ang mga siyentipiko na pagsamahin na lang ang butal na anim na oras sa buwan ng Pebrero. Ito ay naging popular sa tawag na leap year o taong bisyesto.

Kapag sumasapit ang araw na ito = Pebrero 29 - maraming mga pamahiin at mga paniniwala ang lumalaganap sa iba’t ibang bansa. Ito ay marahil kakaiba ang bilang ng mga araw sa buwan na ito. Alamin natin ang ilan sa mga popular na paniniwalang ito:

`CHINA— Gamit dito ang lunar calendar ngunit sinusunod na rin ng mga Intsik ang solar calendar. Naniniwala ang maraming mga Tsina at ito ay sinusuportahan ng feng shui na swerte sa mga tao ang pagsapit ng baong bisyesto. Inaasahan na dahil dito, higit pang magiging masaya ang Bagong Taon ng mga Chinese na gaganapin sa Pebrero 10. Kikilalanin ang taon simula sa araw na ito bilang Year of the Dragon.

TAIWAN - Baligtad naman ang paniniwala ng mga Taiwanese pagdating sa leap year. Sinasabing nag-aalala ang mga magulang at kamag-anakan ng mga batang kababaihan tuwing taon ng paglundag. Sila umano ay higit na nanganganib sa mga sakit.

IRELAND- Marami nang PIlipino ang nagtatrabaho o may pamilya sa Ireland. Ayon sa tradisyon, pagsapit ng Pebrero 29, pwedeng hingin ng mga kababaihan ang kamay ng kanilang mga nobyo upang magpakasal.

FINLAND - Tradisyon din dito na ang babae ang dapat mag-alok ng kasal sa binata. Swerte umano ang Pebrero 29 para mag-propose. Kung tatanggi ang lalaki, hinihingi rin ng tradisyon na halikan nito ang nag-alok ng kasal Dapat din magbigay siya ng palda at hindi bababa sa 12 pares ng guwantes.

GREECE - Kakaiba ang mga Griyego pagdating sa kasalan sa taon ng bisyesto. Ayon sa mga nakatatanda, malas ang pagpapaksal sa taong ito at malaki ang posibilidad na mauwi sa diborsyo ang pagsasama ng mag-asawa.

Noong Nobyembre, 2023, nag-parachute ang octogenarian na si Kim Knor para sa kanyang ika-622 na pagtalon mula sa lumilipad na eroplano. Nais niyang bigyan inspirasyon ang mga kapwa senior citizen na tumalon o mag-leap. Skydiving ang tawag sa isport na ito.

“You retire and what are you going to do, sit around and watch TV?” tanong niya sa mga nakatatanda.

Naku, pwede naman tayong mag-zumba, ballroom dancing o mag-alaga na lamang muna ng apo. Huwag na subukan ang sport na ito, lalo pa ngayong leap year.

Photo from pinterest.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page