top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Mga senior citizens: Maiiwasan ang falls o pagbagsak, alamin kung paano

8/5/25, 7:15 AM

Ni Raselle Joyce Flores

Maraming medical experts ang nababahala na sa dumaraming kaso ng pagbagsak na karaniwan ay nagiging sanhi ng pinsala sa mga senior citizens na may edad na 65 at pataas.

Kadalasan ng disgrasya na nagiging sanhi ng pagbagsak ay nangyayari sa banyo kung saan laging nag-iisa ang nakatatanda.

Pagkadulas o biglang kawalan ng balanse ang tinutukoy na madalas na dahilan ng pagbagsak. Minsan ang paglaglag sa sahig, higit sa kongkreto, ay nagiging dahilan upang mamatayang biktima.

Dahil umaabot na sa lagpas 14 milyon kada taon ang nagiging biktima ng pagbagsak, nagrekomenda ang mga eksperto ng mga paraan upang maiwasan ang aksidente na nagiging dahilanng falls o pagbagsak.

Narito ang ilang paraan upang maiwasan ang pagbagsak or fall:

1. Sumailalim sa fall-risk assessment upang malaman kung may panganib sa pagbagasak: Mahalagang malaman ang tsansa na madisgrasya sa pagbagsak

2. Dalasan ang ehersisyo- Ang ehersisyo ay magsisiguro ng aktibo at maliksing pangangatawan. Gawin ito lagi upang maging alerto ang pag-iisip.

3. Sumailalim sa physical therapy upang makadagdag sa lakas. Ang malakas na muscles at buto ang susuporta sa balanse ng isang tao.

4. Patatagin ang kalusugan ng puso at pag-iisip. Ito ang makakatulong na maipagpatuloy ang malusog na balanse. Laging i-monitor ang blood sugar level.

5. Uminom ng mga bitamina at kumain ng masustansya- Alamin kung may vitamin B12 deficiency sakaling may kakaibang nararamdaman sa nervous system.

6. Imbentaryuhin ang ininom na mga gamot. May mga maintenance medicines at iba pang gamot na nakapag-babago ng pagiging alerto at umeepekto sa balanse. Ang ilan dito ay mga antihistamines na tulad ng Benadryl

7. Bawasan o iwasan ang pag-inom ng alkohol. Alcohol o alak ay may matinding impact sa balanse at pagiging alerto ng isang tao.

8. Aminin sa sarili na hindi mo kayang iwasan ng tuluyan ang peligro ng pagbagsak.

Photo from pinterest.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page