

SENIOR CARE
Mga dapat malaman tungkol sa tatlong taong dagdag pension ng SSS?

8/1/25, 6:56 AM
Dahil sa patuloy na magandang takbo ng pinansyal ng Social Security System, uumentuhan ng state-run insurer para sa pribadong sektor ang tatanggapin buwanang pension ng mga benepisaryo.
Sa pahayag ng SSS nitong Huwebes (Hulyo 31), magdadagdag ng pension sa loob ng tatlong taon simula sa darating na Setyembre, 2025.
Lubos na ikinatuwa ng maraming samahan ng senior citizens sa bansa ang naging desisyon ng SSS.
Ganoon din ang reaksyon nina Reps. Mila Aquino-Magsaysay (United Senior Citizens Partylist) at Rodolfo Ordanes (Senior Citizens Partylist) na kapwa nagpalabas ng pahayag upang batiin ang pamunuan ng SSS sa ginawa nitong tulong sa mga retiradong empleyado sa pribadong sektor, persons with disabilities at iba pang benepisaryo ng pension fund.
Inaprubahan noong Hulyo 11 ng Social Security Commission ang reform program ng state insurer bilang pagtugon sa “Long-standing calls for higher pensions while ensuring the fund’s long term viability.”
May 3.8 milyon pensyonado ang makikinabang sa dagdag pensyon. May 2.6 milyon samga ito ay mga retirement at disability pensioners habang 1.2 milyon naman ang survivor pensioners.
Ayon sa SSS ang umento ay ipatutupad ng tatlong taong tranches tuwing Setyembre ng tinutukoy na taon simula 2025 hanggang 2027.
Sa bawat taon, ang buwanang pension ay tataas ng mga sumusunod:
- 10 porsiyento para sa retirement at disability pensioners
- 5 porsiyento para sa death o survivor pensioners
Upang maging kwalipikado sa dagdag na benepisyo, ang pensyonado ay dapat aktibong nakatatanggap ng buwanang pension bago Agosto 31 ng taon kung kelan magtataas ng benepisyo.
Tinatayang 33 porsiyentong dagdag ang matatamasa ng mga retirement at disability pensioiners pagdating ng 2027 habang ang mga death at survivor pensioners naman ay madaragdagan ng kabuuang 16 porsiyento.
Ipinakikita dito ang aasahang dagdag pension sa ilang samplesa loob ng tatlong taong (2025-2027) implementasyon ng programa.
