

SENIOR CARE
Mayor Olivarez nagpaalala sa ₱1,500 monthly social pension simula bukas

7/14/25, 9:43 AM
Ni Tracy Cabrera
PINAALALAHAN ni Parañaque mayor 'Kuya' Edwin Olivarez ang mga senior citizen sa lungsod ukol sa kanilang buwanang pensyon makaraang kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na simula bukas, Hulyo 15, ay makakatanggap na sila ng kanilang monthly social pension na pinataas mula sa ₱1,000 sa ₱1,500 ngayong taon.
Ayon sa alkalde, sumasalamin umano ang updated amount ng patuloy na pagtalima ng pamahalaan sa pagsuporta sa mga nakatatanda na walang regular na pinagkakakitaan para sa kanilang mga pangangailangan at kinokonsiderang mga indigent.
Upang makatanggap ng nasabing ₱1,500 social pension, kailangan ang sumusunod na criteria na batay sa updated 2025 guidelines ng DSWD:
* Eligibility Criteria
Edad 60 taong gulang at pataas
* Employment Status
Walang trabaho o regular na source of income
* Pension Status
Hindi makakatanggap ng anumang government pension (hakimbaea, GSIS, SSS, AFP)
* Living Condition
Indigent at walang suporta mula sa pamilya of kamaganakan
* Residency
Filipino citizen na naninirahan sa Pilipinas
Sisimulan ang ₱1,500 payment ngayong buwan at ipapamahagi sa quarterly basis kaya makakatanggap ang mga benepisaryo ng ₱4,500 kada tatlong buwan.
* Pamamaraan ng pamamahagi:
- Cash payout sa barangay hall o designated payout center ng DSWD field office
- Direct bank transfer sa mga benepisaryo na mayroong valid savings account (available lang sa piling rehiyon)
- Door-to-door delivery isa malalayo o high-risk area, partikular na sa mga senior na nakaratay sa karamdaman.
