top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Mahimbing na tulog, may kaugnayan ba sa Alzheimer’s? Tips sa pag-iwas sa puyat

1/31/25, 5:46 AM

Ni Samantha Faith Flores

Maraming pag-aaral na siyentipiko ang nag-uugnay ng pagtulog at Alzheimer’s Disease, isang sakit na sumisira sa memorya at kamalayan ng isang tao.

Hindi na bago sa pandinig na ang Alzheimer’s ay dumarating kapag nagkaka-edad na ang isang tao, higit sa pagiging senior citizen nito o pagpasok sa edad na 60 at pataas.

Hindi na nagtataka ang maraming siyentipiko kung bakit mga nakatatanda ang madalas tamaan ng pagka-ulyanin. Ito umano ay dahilan sa nagkaka-edad na rin ang utak.

Ngunit kailan lamang, ang kakulangan sa pagtulog ang isa sa tinuturong salarin. Marami sa nga senior citizens ay kapos sa tulog - napupuyat at nagigising naman ng maaga.

Ayon sa kilalang nobelistang si Ernest Hemingway, ang bitin na tulog ay tila dinidikta ng pag-iisip at katawan sa mga elderly persons upang magkaroon sila ng higit na maraming sandali na gising sa nalalabing panahon ng buhay.

Sa isang artikulo sa Yahoo, idinikit pang lalo ng Alzheimer’s & Dementia ang relasyon ng tulog at Alzheimer’s. Tinukoy ang relasyon ng REM o rapid eye movement sa pagtulog at ng nakababahalang sakit na ito.

Napansin sa 123 taong sumali sa pagsaliksik na ang mga mabilis nakaaabot sa REM ay may malakas na memorya at pag-aalala kung ihahambing sa mga matagal mag-REM.

Ang REM ay bahagi ng pagtulog na mabilis na umiikot ang mga mata at dumarating ang mga panaginip. Sa madaling salita - ang oras na mahimbing na ang tulog.

Bagamat hindi pa conclusive ang ganitong obserbasyon, napansin na rin ng maraming ekperto sa Alzheimer’s na ang mga nagkakasakit nito ay kadalasang may problema sa pagtulog.

Para naman sa maraming geriatrics doctor na gumagamot ng mga karamdaman ng senior citizens, dama lamang na matulog ng tama sa oras ang mga nakatatanda upang maiwasan ang maraming karamdaman, bukod sa Alzheimer’s.

Narito ang ilang tip upang makatulog ng wastong oras:

1. MAGKAROON NG ROUTINE. Kumain, gumising at matulog ng pare-parehong oras sa bawat araw.

2. UMIWAS SA SIESTA - Huwag matulog sa dis-oras ng araw, higiit sa hapon.

3. MAG-EXERCISE AT KUMILOS SA UMAGA. Magkaroon ng ehersisyo tulad ng paglalakad at iba pang aktibidad sa araw.

4. INUMIN SA ORAS ANG MGA MAINTENANCE MEDICINES. Pansinin ang epekto ng mga regular na gamot kapag iniinom ito sa gabi. May mga gamot na nakaka-epekto sa pagtulog. Alamin ang mga ito kapag nagreseta ang inyong doktor.

5. IWASAN ANG PAGKAIN SA GABI NG MGA NAKAPAGPAPASIGLA. Alak at kape, kasama ang paninigarilyo ang magtatanggal ng inyong pagod at antok. Subukan ang mga tsaang bantog na nakapagpapatulog tulad ng camomile.

6. MAGSARA NG TELEBISYON AT ILAYO ANG MOBILE PHONE SA KAMA. Ang mga screen na maliwanag ay sadyang nanggigising.

7. MAGSINDI NG TAMANG ILAW. Kung nais matulog ng may ilaw, gawin lamang na dim ito upang mabawasan ang pagiging balisa.

Photo from manilastandard.net

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page