top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Lolo inakalang nawalan ng pustiso, nalunok pala

1/16/25, 11:25 AM

Inakala ng isang 81-anyos na lalaki na nailuwa niya ang kanyang pustiso noong minsang atakihin ng kombulsyon kaya ito nawala.

Dahil dito, labis siyang nagtaka nang makaramdam ng sakit sa paghinga.

Sumailalim ang lalaking taga-Peru sa X-ray at doon na nga natuklasan na may nakabarang pustiso sa kaniyang lalamunan.

Ang siste, ayon kay Dr. Raul Maurta ng Sabogal Hospital, nalunok pala ito ng pasyente nang atakihin ng epilepsy.

"During a convulsive episode in Huacho on December 13, 2024, he expelled a dental prosthesis - that's what the patient thought," sabi ni Maurta batay sa ulat ng GMA Integrated Newsfeed.

"But what really happened was that he had ingested this foreign body, it had remained in the hypopharynx," dagdag nito.

Nitong Lunes, matagumpay na natanggal ng mga doktor ang pustiso na bumara sa kaniyang lalamunan.

Nakalabas na ang lalaki sa hospital at nagpapagaling na.

Photo from manilastandard.net

Comments

Împărtășește-ți gândurileScrie primul comentariu.
bottom of page