top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Lolang masigasig magrebyu para sa CPA exam, kinagiliwan online

3/9/24, 5:00 AM

Hinangaan online ang isang lolang nakuhanan sa video na tutok na nag-aaral sa isang review center para sa darating na Certified Public Accountant Licensure Exam (CPALE).

Sa videong ibinahagi ni Craig Vincent, isang Accountancy graduate mula sa Far Eastern University, makikitang nakaupo ang lola sa isang classroom habang seryosong nagrerebyu.

Kwento ni Craig, lagi raw on time ang lola sa kanilang review sessions.

"Active din siya sa class. Nagtatanong talaga siya kapag may hindi siya naiintindihan," saad niya.

"Minsan, pag hindi niya makita yung nakasulat, lilipat pa siya ng upuan. She’s really dedicated to get that license," dagdag pa ni Craig.

Habang ang ibang Accountacy graduates raw ay nagpapahinga o nagmemerienda tuwing break sa kanilang review center, patuloy pa rin daw ang kahanga-hangang lola sa pagsasagot ng mga tanong sa kanilang reviewer.

Aniya, todo-alalay ang mga lecturer at ibang estudyante ng nasabing review center kay lola. Lahat ng mga katanungan nito tuwing klase ay sinasagot at ipinapaliwanag mabuti ng mga propesor.

"Sobrang accomodated siya ng registrar at pinagstay doon sa office kapag maaga siya pumasok," sabi ni Craig.

Dahil kay lola, aminado si Craig na na-inspire siya na pag-igihan ang kanyang pagre-review para sa CPALE.

Sabi niya nga sa post: "Look! If lola is trying, then what’s stopping us?"

Tuwang-tuwa sa kanya ang mga mas batang Accountancy graduates.

"Thank you Nay for being an inspiration to others," komento ng isa.

"Lola has been a great inspiration to many, but I hope she doesn't feel much pressure because of the attention that she got. All the best to our takers!" sabi naman ng isang netizen.

Photo from pinterest.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page