

SENIOR CARE
Lola 107 anyos nakalimutan mamatay dahil busy sa pagpinta
.webp)
8/5/25, 6:13 AM
Dahil sa pagpinta na sinimulan noong siya ay 60 anyos pa lamang, nakalimutan na ng isang 107-anyos na lola ang mamatay.
Ito ang laging tugon ni Mollie Silver ng Cornwall, England kapag may nag-uusisa kung ano ang sikreto niya sa pagtanda ng lagpas sa 100.
Ipinanganak sa Staffordshire, ang lolang centenarian ay magdiriwang ng kanyang 107 kaarawa sa pamamagitan ng isang party kasama ang mga kaibigan ang malalapit na kaanak sa Women’s Institute Hall .
Inabutan niya ang dalawang digmaang pandaigdig at nahilig sa pagguhit sa canvass simula noong 60 na gulang siya. Ang pagpinta ay natutunan niya sa pamamagitan ng dalawang taong kurso sa Rugby College.
May limang anak si Mollie kung kaya’t naisipan niyang magtayo ng gallery garahe ng kanilang tahanan. Ipinagtinda niya ang magagandang paintings at patuloy pa rin itong nakakakuha ng benta hanggang ngayon.
Ang buhay ni Silver ay isinulat ng BBC news sa isang artikulo.
Ayon sa British media, nais pa rin sanang magign aktibo ni Mollie sa pagpipinta ngunit lagi na lamang siyang sinasbihan na mag-relax na dahil sa kaniyang edad.
Palabiro si Mollie at ang pagiging palatawa , para sa kanya, ang susi sa pagkakaroon ng mahaba at masayang buhay.
Ang payo niya sa mga nais umabot sa 100, maging totoong tao laman.
Bagamat mabagal na sa pagpinta, pinipilit pa rin ni Mollie na makagawa ng kanyang obra maestra na maipapamana sa mga mahilig sa magagandang paintings.
