

SENIOR CARE
Lola, 79, naglalakad ng kilo-kilometro para sa PHP150 pangkain ng pamilya

10/10/24, 3:11 AM
Hindi na ordinaryo sa isang babaeng inaasahan ng pamilya na maglakad ng malayo upang makapagtinda ng gulay para sa pagkain ng umaasa sa kanya.
Ngunit maaantig ang damdamin ng marami kung ang pinag-uusapang ina ay 79 anyos na at mag-isang kumakayod para sa pitong anak at apat na apo. P
Pambihirang lola si Nanay Milagros ng Bacolod City, Negros Occidental, ayon sa kuwentong Facebook ng guro sa kolehiyo na si Reyan Bantolo Ballaso.
Sa araw-araw na paghahanapbuhay ni Nanay Milagros, naglalakad siya ng mahahabang kilometro upang magtinda para makakain ang pamilya. Ang kanyang naiuuwi sa isang araw na pagkayod: PHP150.
Sa kanyang FB post, sinabi ni Ballaso na nakilala niya si Nanay Milagros habang nagbibigay siya ng community extension services na programa ng Bacolod City College.
` “Nanay Milagros, at 79, is the pillar supporting her seven children and four grandchildren, shouldering their daily expenses. Yes, at 79!” kuwento ni Baliaso sa kanyang FB post.
Ayon sa kanya lumalakad si Nanay Milagros ng malayo, “kilometers”, mula sa kanyang bahay papunta sa palengke at pabalik para bumili at magtinda ng gulay.
“Despite her hard work, the most she earns is just 150 pesos a day,” dagdag ng guro.
Bagamat nasa wastong edad na para magtrabaho ang mg anak ni Nanay Milagros, hindi naman daw sila makahanap ng regular na pagkakakitaan.
Nanawagan ang septuagenarian mula sa Bacolod City para sa kanyang mga apo, nangangarap siyang makapag-aral ang mga bata upang makaahon sila sa kahirapan.
Marami na ang nag-ambag ng tulong ngunit umaasa pa rin ang lola na may magseseguro sa patuloy na pag-aaral ng mga apo.
