top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Inaabangan: Susunod kay RSA bilang 2024 Heroes of Philanthropy ng Forbes Asia

1/7/24, 5:00 AM

Ni Dodo Rosario

Maraming mga Pilipinong lider sa kalakalan at industriya ang nag-aabang na kung sino ang susunod na tatanghalin ng prestihiyosong business magazine na Forbes Asia bilang 2024 Heroes of Philantrophy matapos na masungkit ni Ramon S. Ang, pangulo at CEO ng San Miguel Corporation (SMC) ang titulo noong nakaraang taon.

Kasama sa mga philanthropic tycoons ng Pilipinas sina Dr. Lucio Tan ng LT Group; Enrique Razon Jr. ng International Container Termina Services Inc (ICTSI); Teresita Sy-Coson ng SM Supermalls na pawang nakasama na sa listahan ng Heroes.

Ilan din sa mga kilalang celebrities ang naitanghal na rin sa Forbes Asia dahil sa malakihang donasyon na naibigay nila para sa kawanggawa at mahihirap na Pilipino

Sila ay sina dating Senate President Manuel Villar ng Villar Group; Hans Sy, CEO ng SM Prime; Alice Galang Eduardo, pangulo at CEO ng Sta. Catalina Construction and Development Corp.; artistang si Nanette Medved-Po, pangulo ng Generation Hope and Friends of Hope at Sen. Manny Pacquiao sa pamamagitan ng kanyang Heart Foundation.

Si Ang, kilala bilang RSA, ay dinakila ng Forbes dahil sa bilyon bilyong pisong ini-ambag niya sa mga proyektong pantulong sa mga mahihirap na Pilipino.

Binanggit ng Forbes Asia ang inambag ni RSA na P14.8 bilyon noong COVID-19 epidemic; P1 bilyon para sa pa pagtatayo ng limang gusaling paaralan at P3 bilyon para sa paglilinis ng ilog. Ang mga proyekto ay idinaan sa San Miguel Foundation na pinangungunahan niya.

Ayon sa Forbes, iginawad kay RSA ang parangal bilang pagkilala sa pagiging pilantropo ni nito, higit ang ipinakita niyang walang humpay na pagtulong sa mahihirap sa bansa, partikular dito ang pag-aaral ng mga kapos palad na mga bata.

Kasama sa kanyang mga proyekto ang river dredging at paglilinis ng waterways kasama ang Pasig River at mga binabahang lugar sa Metro Manila.

Para sa Pasig River clean up, naglabas na si Ang ng higit sa Php 2 bilyon.

Dahil sa pagtanggal ng higit sa 600,000 metriko tonelada ng dumi, putik at iba pang nakapagbabara sa daluyan ng tubig, naiiwas sa pagbabaha ang maraming lugar sa Metro Manila na nagsanhi rin ng pagligtas ng ari-arian at buhay ng mga mamamayan, marami sa kanila mahihirap.

Ang mga lokalidad sa Bulacan at Pampanga na dumaranas ng nakalulugmok na pagbabaha ang susunod sa proyektong pantulong ni Ang.

Sa larangan ng edukasyon, pinasinayaan kailan lamang ang ipinatayong eskwelahan sa Tondo sa Maynila.

Laking Tondo ang 69-year old na SMC chief executive, at dito niya nakita ang kahirapan ng mga kapwa Pilipino, higit sa lahat ang mga kabataang napagkaitan ng pagkakataong makapagtapos ng pag-aaral.

Nangako siyang maglalaan ng P500-milyon ($9-million) para sa construction ng karagdagang school buildings sa iba ibang lugar ng bansa.

Si RSA Ang ang tanging Filipino billionaire na kinilala dahil sa kanyang pagbibigay ng sariling yaman para sa mga nangangailangang mamamayan sa bansa.

“I strongly believe that empowering a wide range of Filipinos with education and skills is key to unlock the country’s potential.” sabi ni Ang.

“This includes not only the youth but also adults in less privileged areas who seek better jobs or want to start their own businesses.”, dagdag niya.

Photo from pinterest.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page