top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Hadiya Care Packages para sa mga seniors sinimulan sa Basilan

7/14/25, 11:50 AM

BASILAN — Sinimulan na ng Ministry of Social Services and Development (MSSD), sa pamamagitan ng Basilan Coordinating Office nito, ang pamamahagi ng Hadiya Care Packages para sa mga mahihirap na senior citizen sa lalawigan.

Ang unang house-to-house na distribusyon kamakailan lamang umabot sa tatlong matatandang benepisyaryo sa Barangay Balagtasan, Lamitan City.

Ang bawat Hadiya Care Package ay naglalaman ng mga pangunahing gamit na makatutulong sa kalinisan, kaginhawahan, at pagsubaybay sa kalusugan. Kabilang dito ang adult diapers, gatas na pulbos, medyas, kumot, hot and cold compress, pulse oximeter, thermoscanner, pillbox, washable urine mattress, langis na pampahid, alcohol na may moisturizer, relief rub, talcum powder, burn ointment, antiseptic solution, gasa, surgical tape, adhesive bandages, tissue rolls, face towels, back scratcher, bulak, at mga lalagyan o storage containers.

“Magpapatuloy ang pamamahagi sa buong lalawigan ngayong buwan ng Hulyo. Sa taong ito, target naming makapamahagi ng 360 na Hadiya Care Packages,” sinabi ni Salima Tahalang, provincial monitoring and evaluation officer ng MSSD Basilan Coordinating Office.

“Bago ang aktuwal na pamimigay, isinasagawa muna namin ang house-to-house na assessment katuwang ang mga City at Municipal Social Welfare and Development Offices upang matiyak kung sino ang karapat-dapat tumanggap,” ayon kay Taliman.

Dagdag niya: “ Matapos maipamahagi ang mga pakete, bumabalik din ang aming mga field workers upang tiyakin na nagagamit nang tama ang mga kagamitan, lalo na ang mga medical devices tulad ng digital blood pressure monitor at pulse oximeter.”

Ang Hadiya Care Package ay bahagi ng Older Persons and Persons with Disabilities Welfare Program ng MSSD.

Layunin nitong suportahan ang mga mahihirap na senior citizen sa pamamagitan ng pagtugon sa kanilang pangunahing pangangailangan at pagbibigay-lakas upang maalagaan ang sarili at masubaybayan ang kanilang kalusugan.

Bukod dito, may iba pang serbisyong panlipunan na inihahatid ang MSSD para sa mga matatanda sa lalawigan, gaya ng medikal na tulong sa ilalim ng Bangsamoro Critical Assistance for Relief and Early Recovery of Sectors (B-CARES), at pagbibigay ng assistive devices sa mga kwalipikado matapos ang wastong pagsusuri.

Photo from pinterest.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page