top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Free parking para sa seniors, PWDs suportado sa Baguio City

6/24/25, 10:43 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

BAGUIO CITY - Malakas ang suporta sa isang panukalang ordinansa na ilibre ang lahat ng senior citizens at persons with disabilities sa pagbayad ng inisyal na singil ng parking fees sa lahat ng lugar dito na naniningil ng parking fees para sa pagparada ng mga p;ribadong sasakyan.

Inihain ni Councilor Leandro Yangot Jr. ang panukala sa Sangguniang Panlungsod ng Baguio City na inaasahang agad pag-aaralan ito.

Maraming mga senior citizens na naninirahan sa Baguio City ang agad nagpahayag ng malakas na suporta upang agarang maipasa ang panukala.

Iminungkahi ni Yangot na huwag na singilin ng parking fee ang mga senior citizens at PWD na nagmamaneho o lulan ng sasakyan na paparada sa pay parking areas lungsod.

Ayon kay Yangot ang magiging libre ay ang halaga ng initial charge ng parking area na kadalasan ay mataas kumpara sa mga kasunod na oras ng pagparada.

Sinabi ni Yangot na ang exemption ay hindi puwedeng gamitin para sa overnight parking.

Tinukoy ng ordinansa ang mga pay parking areas na pag-aari ng mga establisimentong pangkalakalan, shopping malls, ospital, designated parking areas at katulad na mga lugar na naniningil ng parking fees.

Ang mga nais makalibre sa initial parking charges ay dapat magpakita ng identification card na inisyu ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) para sa mga nakataanda at Persons with Disability Affairs Office (PDAO) para sa mga PWD.

Ang mga lalabag sa anumang probisyon ng ordinansa ay haharap sa parusang multa o pagkakakulong.

Ang mga kahera at attendang ng parking booths na hindi tatalima sa regulasyon ay pagbabayarin ng PhP500 na multa o ikukulong ng 1 hanggang 30 araw.

PhP2,000 multa o katulad na haba ng pagkakakulong ang ipapataw sa mga managers, operators at may-ari ng parking space na lalabag sa ordinansa.

Ayon kay Yangot ang pamahalaang lungsod ay dapat gumagarantiya sa pagsulong ng kapakanan ng mga senior citizens at PWD. Idiniin pa niya na nararapat lamang na mabigyan ng priyoridad ang mga indibidwal na katulad nila.

Photo from pinterest.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page