

SENIOR CARE
Dumarami mga Haponesang seniors na nagpapakulong upang umiwas sa kalungkutan ng pag-iisa

1/23/25, 8:42 AM
Dahil takot mamuhay at mamatay mag-isa, maraming mga nakatatandang Haponesa ang mas piniling mamalagi na lamang sa mga piitan sa Japan, ayon sa mga ulat mula sa international at local news media.
Halos 400 porsiyento ang itinaas ng bilang ng mga kababaihang preso mula 2003 hanggang 2022, ipinaliwanag mga mga opisyal ng Japan correctional bureau ng bansa.
Sa iba’t-ibang balita na lumabas nitong nakaraang ilang araw lamang, sinabi sa mga ulat na sadyang gumagawa ng maliliitna krimen ang mga lola upang iwasan ang lumalalang “lonelliness epidemic” na lumalaganap sa bansa.
Lubhang apektado ng ganitong uri ng epidemya ang mga nakatatanda, higit ang mga kababaihan, sa populasyon ng Japan.
Nangunguna ang Japan sa mga bansa sa mundo na mayroong “ageing population” at ito ang pinangangambahan ng pamahalaan nito.
Higit din pinangangambahan ang pagdami ng tinatamaan ng “loneliness epidemic”, ayon sa mga ulat.
Ayon sa ulat ng CNN, isang 81 anyos na nakapiit sa Tochigi Women’s Prison na pinakamalaking kulungan sa Japan, ang nagsabing marami siyang kasamahan na mabubuting nilalang.
Ang lolang octogenarian ay nahuli sa salang pagnanakaw ng pagkain dahil sa kakulangan niya ng pera at hindi komportableng pamumuhay.
Hindi sana siya gumawa ng krimen kung hindi ganito ang kanyang kondisyon na pinatindi pa ng kaulungkutan dahil inabandona na siya ng nag-iisang anak.
Sa Tochigi, nakakakain ng wasto at tama sa oras ang mga nakakulong. Bukod dito mayroon silang libreng health care habang nagta-trabaho sa mga pabrika sa loob ng bilangguan.
“Masaya” ang kanyang buhay sa piitan sapagkat marami siyang mga kasamahan ng katulad niyang senior citizen na.
Sinabi ni Takayoshi Shiranaga, isang opisyal sa Tochigi, marami ngang mga kababaihan nakapiit sa bilangguan ang may pakay lamang na umiwas sa ginaw at makakain.
Ipinaliwanag ni Shiranaga na mayroon pang ilan sa mga nakakulong na kababaihan ang ayaw umalis sa loob ng bilangguan upang mag-“enjoy” sa piling ng mga kapwa preso.
Dahil sa pagdami ng mga presong tumatanda o matatanda na, nagmistulang nursing home na umano ang Tochigi
Marami sa mga senior citizens ang wala nang mga kasama sa buhay - inabandona o hirap na rin mag-alaga sa kanila.
