top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Batang taga-California, natagpuan ng mga kaanak 70 taon matapos ma-kidnap

9/23/24, 2:00 AM

Anim na taon pa lamang si Luis Armando Albino nang dukutin siya sa isang parke sa West Oakland, California habang nakikro sa nakatatandang kapatid noong 1951.

Matapos ang 70 taon, natagpuan ni Luis ang kanyang mga tunay na kamaganak.

Isa nang retiradong bumbero at beterano ng Marine Corps, napadpad si Luis sa East Coast ng Amerika.

Si Albino ay 76 anyos na nang makabalik sa mga kaanak na nagpatunay na siya nga ang batang biglang naglaho habang naglalaro kasama ang kapatid na nakatatandang si Roger, sa dating Jefferson Square Park (Martin Luther King Jr. Way na ngayon) na malapit sa tahanan nila.

Namatay kamakailan lamang si Roger, ilang buwan matapos ng kanilang reunion ni Luis.

Sa balitang inilathala ng Oakland Tribune, napag-alaman ng mga pulisya, noong 1951 ay sumama ang noon ay musmos pang si Albino sa isang hindi nakilalang babae na nangakong ibibili siya ng kendi.

Hinihinalang ibinenta si Albino sa isang mag-asawang taga East Coast, ayon kay Alida Alequin, pamangkin ni Albino.

Tsamba lamang ang pagkakahanap kay Albino, ayon sa kanya.



Ang kanyang ina ay kapatid ni Albino sa iisang inang si Antonia, isang Puerto Rican na namatay noong 2005.

Ayon kay Alequin, bagamat matanda na hindi napanghinaan ng pag-asa si Antonia na isang araw ay uuwi rin ang kanyang nawawalang anak.

Noong 2020, napagkatuwaan ni Alequin na magpakuha ng DNA test. Laking gulat niya nang nagresulta ito sa 22% match sa isang hindi niya kilalang lalaki na lumabas na si Albino.

Hindi pinansin ito ni Alequin ngunit nitong taon, napag-isipan niya at kanyang mga anak na magbaliktanaw sa nakaraan ng kanyang pamilya.

Isa-isang pinangalanan ni Alequin ang mga kapatid ng ina at noong dumating sa pangalan ni Luis, doon niya napag-tanto na dinukot pala noong bata ang bunsong kapatid ng ina.

“I can’t explain what I felt but I said, ‘I don’t think this person I wound on Ancestry was some half-brother like I first thought. I think he was the brother that was kidnapped,” sabi niya.

Dahil dito, nag-search ang mag-iina sa internet at doon nila natagpuan ang mga litrato ng isang lalaking tingin nila ay ang kanyang nawawalang tiyuhin.

Tinulungan ng Oakland police ang pamilya Alequin na hanapin ang lalaki na nag-paunlak namang magbigay ng kanyang DNA sample.

Naging masaya at madamdamin ang family reunion ni Luis sa tunay na mga kaanak na 70 taon na niyang hindi nakita.

Napahagulgol si Luis nang magyakap sila ni Roger na kasama niya nang madukot sa Oakland. Namatay si Roger ilang buwan matapos ang tagpong ito.

Photo from pinterest.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page