top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

BARMM Sagip Paningin project ikinagalak ng mga senior citizens

1/21/25, 11:51 AM

COTABATO CITY - May 72 nakatatandang Filipino mula sa iba’t-ibang barangay sa Cotabato City ang nakatanggap ng reading glasses bilang mga benepisaryo ng Sagip Pangingin Para Kay Lolo at Lola Program.

Sa pakikipag-ugnayan ng social services ministry ng Bangsamoro Autonomous Region government, nagsagawa ng eye checkup ang Glang Eye Care Cllinic bilang outreach activity nito.

Ayon kay Minister Raissa Jadjurie ng BARMM social services, ang humanitarian mission ay bahagi ng Older Persons and Persons with Disabilities Welfare Program ng kagawaran.

Isinagawa ang operation noong Sabado.

Ang MSSD-BARMM ay sumasakop sa Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Lanao del Norte, Basilan at Tawi-Tawi. Kasama rin dito ang mga siyudad ng Lamitan, Marawi at Cotabato.

Nanggaling ang mga senior citizens sa iba’t-ibang bahagi ng BARMM, ayon kay Jadjurie.

Inaasahan na madaragdagan pa ang makakakuha ng bagong mga salamit dahil patuloy na kumikilos ang mga kawani ng MSSD-BARMM sa pagtanggap ng mga benepisaryo, kasama dito ang mga miyembro ng mga indigenous communities na hindi Muslim sa mga malalayong lugar sa rehiyon.

Photo from manilastandard.net

Comments

Compartilhe sua opiniãoSeja o primeiro a escrever um comentário.
bottom of page