top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Apo Whang-Od, pinakamatandang mambabatok, 107-anyos na

2/17/24, 4:40 AM

Ni MJ Blancaflor

Ipinagdiriwang ngayong araw ni Whang-Od, pinakamatandang mambabatok sa bansa, ang kanyang ika-107 kaarawan.

Nakilala siya sa kanyang tradisyonal na paraan ng pagta-tattoo gamit ang "batok" o hand-tap method.

Isinilang si Whang-Od noong Pebrero 17, 1917 sa Kalinga, Mountain Province. Isa siyang miyembro ng tribu ng Butbut.

Nagsimula siyang mag-tattoo sa edad na 15.

Sa nakalipas na mga taon, nakilala ang tradisyonal na paraan niya ng pagta-tattoo at dumaragsa pa ang mga turista at tattoo enthusiasts sa kanilang lugar.

Noong Miyerkules, Pebrero 14, pinarangalan siya ni Pangulong Bongbong Marcos ng Presidential Medal of Merit bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa tradisyunal na sining ng Pilipinas at sa pagpapanatili ng art form ng kanyang komunidad.

"We are honoring Apo Whang-Od for works that have made her and the country famous for other achievements that make her Filipino worthy of our respect and of our admiration," saad ni Marcos sa seremonyang isinagawa sa Malakanyang.

"She's a pioneer in shattering gender stereotypes venturing into tattooing when it was just a man’s exclusive preserve," dagdag pa ng Pangulo.

Tinawag din ni Pangulong Marcos si Whang-Od bilang "mentor" ng bagong henerasyon ng mga artist sa bansa.

"Her craft and stature as an internationally recognized artist raised international awareness of our country’s rich cultural heritage," sabi ni Marcos.

Noong Abril 2023, bumida si Whang-Od sa cover ng magazine na Vogue Philippines' Beauty Issue.

Ginawaran din siya ng National Commission for Culture and the Arts ng prestihiyosong Dangal ng Haraya Award.

Photo from pinterest.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page