top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

Ang sikreto sa masaya at mahabang buhay, ayon sa bilyonaryong si Charlie Munger

1/2/24, 7:15 AM

Paano magkaroon ng masaya at mahabang buhay?

Maging maingat at iwasan ang mga panganib o "kabaliwan" sa personal na buhay at karera, ayon sa bilyonaryong si Charlie Munger, kilalang matalik na kaibigan at business partner ng tanyag na investor na si Warren Buffett.

Sumakabilang-buhay si Munger noong November 28 sa California sa edad na 99. Tinatayang $2.6 billion ang kanyang net worth.

Sa kanyang panayam sa American business channel CNBC noong nakaraang taon, sabi niya: "Crazy is way more common than you think...It’s easy to slip into crazy. Just avoid it, avoid it, avoid it (Mas karaniwan ang pagiging baliw kaysa sa iniisip mo. Madaling mahulog sa kabaliwan. Kaya iwasan ito, iwasan, iwasan)."

Kasama na raw dito ang mga bisyo tulad ng alak at sigarilyo.

Marami umano siyang kilalang alcoholics at malapit nang maging alcoholics pero naiwasan niya raw ang mga ito.

"My game in life was always to avoid all standard ways of failing (Ang diskarte ko sa buhay ay laging iwasan ang mga magdudulot ng pagkabigo)," sabi ni Munger.

"You teach me the wrong way to play poker and I will avoid it. You teach me the wrong way to do something else, I will avoid it (Ituro mo sa akin ang maling paraan ng paglalaro ng poker at iiwasan ko iyon. Ituro mo sa akin ang maling paraan ng paggawa ng ibang bagay, iiwasan ko iyon)," dagdag ni Munger.

Photo from pinterest.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page