top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

89 anyos na komedyanteng babae sugatan matapos sapukin ng walang dahilan

7/22/24, 10:30 AM

NEW YORK CITY - Bumagsak sa pagkahilo ang kilalang pinakamatandang comedian sa mundo ng sorpresa itong suntukin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Manhattan street sa New York noong nakaraang Linggo.

Si D’yan Forest, 89 anyos, ay naitakbo agad sa ospital matapos bigyan ng isang malakas na “sucker punch” habang siya ay papunta sa gym bandang alas-9 ng umaga noong Miyerkules (PH-Hulyo 17).

Kilala si Forest bilang pinakamatandang babaeng komendyante na patuloy pa rin nagta-trabaho sa kabila ng katandaan.

Nakiusap ang pulisya sa publiko na tumulong upang matukoy ang umatake ng walang dahilan sa octogenarian.

Ayon sa mga saksi kumaripas ng takbo ang suspek matapos sapakin ang matanda.

Nagtamo ng pasa sa kaliwang mata si Forest at nasaktan nang bumagsak ito sa kalye.

Noong Hulyo 7, matatandaang namatay ang Filipino-American na si Corazon Dandan, 74, nang itulak ito sa paparating na tren sa San Francisco City.

Walang maibigay na dahilan si Trevor Belmont, 49, kung bakit niya itunulak ang senior citizen na galing sa trabaho at papauwi sa kanilang bahay sa Daly City bandang 11 ng gabi noon Hulyo 7.

Bagamat mga senior citizens, nag-tatrabaho pa rin sina Forest at Dandan ng atakihin ng mga salarin.

Photo from pinterest.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page