top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

81-anyos na nurse sa Singapore bakit ayaw pa magretiro?

3/20/24, 6:26 AM

Ni MJ Blancaflor

Habang subsob sa trabaho ang ilang young professionals sa paghahangad na maaga silang makapagreretiro, isang 81-taong-gulang na Singaporean nurse naman ang patuloy pa rin sa pagtatrabaho sa kabila ng kanyang edad.

Natatangi ngang maituturing si Loke Lye Chan, isang nurse sa Singapore General Hospital (SGH) dahil sa kanyang dedikasyon at pagmamahal sa trabaho.

Aniya, hindi pa niya iniisip ang pagreretiro sa ngayon at nais pa niyang magtrabaho hangga't malusog pa ang kanyang pangangatawan upang maging kapaki-pakinabang sa kanyang komunidad.

"If I’m healthy, I will continue to be a nurse," ani Loke sa isang panayam sa CNA news website. "My job is very professional and I like my job very much. If not, I wouldn’t work until today."

Naka-assign ngayon si Loke sa sterile supplies unit ng SGH. Ibig sabihin, nakatoka siya at ang kanyang mga kaopisina sa paglilinis o pagsa-sanitize ng libo-libong medical tools na ginagamit ng mga doktor araw-araw.

Anim na dekada na siyang nagtatrabaho sa nasabing ospital.

Kwento niya sa CNA, nagsimula siyang magtrabaho bilang nurse noong 1962 matapos makita ang isang job advertisement sa dyaryo.

Sa edad na 20, natanggap siya sa selection process at dumaan sa higit dalawang taon na training sa Thomson Road Hospital.

Matapos nito ay nagtrabaho na siya sa SGH kung saan siya na-assign bilang nurse ward.

"Looking after patients makes me happy," saad ni Loke.

“You must always put yourself in the patient’s shoes. If you cannot do that, there’s no point in becoming a nurse.”

Noong 1989, nailipat siya sterile supplies unit sa ospital. Matapos ma-sterilize ang medical tools, ina-assemble nina Loke ang mga ito sa tamang lalagyan.

Tinatayang higit 1,300 sets ng surgical instruments ang nililinis at ina-assemble ng sterile supplies unit kada araw.

Sa kabila ng mabigat na trabaho, hindi pa rin daw nase-stress ang octogenarian sa kanyang propesyon.

"If you like your job, you won’t get stressed," sabi ni Loke.

Photo from pinterest.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page