top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

75-anyos na lola nasawi matapos ma-trap sa sunog

8/2/25, 11:11 AM

ILOILO CITY - Patay ang isang 75-anyos na lola matapos na makulong sa ikalawang palapag ng nasusunog niyang bahay sa Iloilo City nitong Sabado (Agosto 2).

Nagtamo naman ng mga second degree burns sa kanyang batok at ulo ang isang 65-anyos na kasamahan ng namatay samantalang dalawa pang lalaki ang nagtamo ng first degree burns.

Pinagagamot ang senior citizen sa Western Visayas Medical Cener.

Hindi pa kinikilala ng pulisya sa Iloilo City ang nasawi at ang mga nasugatan.

Ayon kay Iloilo City Fire Marshall Supt. Melanie Habawel, dalawang bahay sa Barangay Oñate, Mandurriao District ang napinsala ng sunog. Isa dito na tirahan ng nasawing lola ay tupok.

Nagsimula ang sunog bandang 8:55 a.m. ng Sabado.

Ayon sa Bureau of Fire Protection may posibilidad na ang sunog ay nanggaling sa nakasinding kandila.

Ang 75-anyos na biktima ay hindi na nakaligtas dahil hindi siya umano nakababa agad nang biglang sumiklab ang sunog.

Photo from pinterest.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page