top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SENIOR CARE

67-anyos na babae nagtuturo pa ng self defense

4/1/24, 12:24 AM

Isang 67-taong gulang na babae ang nagbabahagi pa ng kaalaman sa ibang kababaihan ukol sa self defense para mabigyan sila ng kumpyansa at kakayahan na maipagtanggol ang kanilang mga sarili sa panganib.

Ibinahagi ng CBS News ang kwento ni Barbara White, isang self defense instructor tuwing gabi sa Bob White's Karate Studio sa Costa Mesa, California.

Nagtatrabaho rin siya bilang nurse sa Hoag Hospital sa kalapit na Newport Beach tuwing umaga.

Si White ay may seventh-degree black belt sa American kenpo karate.

Nagsimula siyang mag-aral ng karate noong 1991 at natuto ng self defense techniques sa tulong ng isang babaeng coach.

Magmula noon, naging advocate na siya ng martial arts education para sa mga kababaihan.

"What women need to do is we lift one another up and we encourage one another and I think by this, and the unity, it helps to instill a belief in ourselves," saad ni White.

Aniya, kailangan matuto ang kababaihan ng techniques ukol sa martial arts para hindi mabiktima ng krimen.

Sabi ng mga estudyante ni White, nahikayat silang mag-aral din ng self defense dahil sa mga babaeng coach na nagpapakita ng kahalagahan nito.

Photo from pinterest.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page