

SENIOR CARE
GSIS loan restructuring program inilunsad

12/24/23, 9:00 AM
Inilunsad ng Government Service Insurance System (GSIS) ang restructuring loan program nito na Choice of Loan Amortization Schedule for Pensioners o CLASP na naglalayong tulungan ang magreretirong mga miyembro na mayroong malaking pagkaka-utang.
Ito ang inihayag kamakailan ni President at General Manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso na nasabing ang CLASP na bahagi ng GSIS Ginhawa For All ay programa ng GSIS para palawigin ang pagbabayad ng loan o utang ng mga miyembrong magreretiro na para mayroon silang matirang banepisyo sa kanilang retirement
“Sa pamamagitan ng loan restructuring program na ito, hindi agarang ibabawas sa pension at iba pang benefit ang utang ng miyembro kapag nagre-retire siya. Pwedeng bayaran ang utang nang hulugan para may matitira pa sa pension at claim proceeds niya,” ayon kay Veloso.
Ayon sa kanya, ang pensioner ay mayroong 4 na pagpipilian para sa pagbabayad ng utang na ang una ay pwedeng bayaran ng buo na ibabawas mula sa makukuhang retirement benefit; ikalawa ay gagamitin ang CLASP kung kailan maaaring bayaran ang 75-porsiyento ng utang samantalang ang nalalabing 25-prosiyento nito ay ibabawas sa monthly pension.
Ikatlo ay maaari rin ang 50-porsiyento ng utang ay ibabawas sa retirement benefits at ang natitirang 50-porsiyento nito ay ibabawas sa monthly pension, samantalang ang ikaapat naman ay 25-porsiyento ng utang ang ibabawas at ang natitirang 75-porsiyento ay ibabawas sa monthly pension ng retirado.
Sinabi ni Veloso na inialok ng GSIS ang CLASP sa mga magreretiro sa ilalim ng retirement scheme na nagbibigay ng agarang pension benefit.
Nilinaw ng GSIS chief na ang tanging hindi kasama sa CLASP ay ang housing loan at kapag namatay ang pensioner ay mayroon silang load redemption insurance.
“Ang interest rate para sa maiiwang loan balance na hulugan every month ay 10 pecent per annum computed in advance,” ayon kay Veloso.
“Naka-depende po ya sa naiwang loan balance at payment term kung magkano ang ibabawas sa monthlypension. Kasama rin sa monthly amortization and bayad para sa loan redemption insurance,” dagdag pa niya.
Samantala, para sa maghahangad ng naturang restructuring loan program ng state pension fund ay mayroon lamang iisang requirement, ayon kay Veloso.
“Para sa mga nais mag-apply sa CLASP, ang requirement lang ay ang application form for retirement benefit kasi nakalagay sa form ang option para mag-aaply sa CLASP. Isa-submit lamang ang form na ito sa pinakamalapit na GSIS branch kapag magre-retire sila,” sabi ng GSIS chief.
