LAW AND ORDER
Walang kinasuhang pulis sa 3,967 pagpaslang noong panahon ng Tokhang- prosecution

Photo from www.scmp.com
2/28/26, 8:45 AM
Ni Samantha Faith Flores
Walang inasunto ang Duterte administrasyon sa kahit sinong pulis na sangkot sa 3,967 na pagpaslang sa drug war na inilunsad ng pamahalaan.
Ito ang idiniin ni Atorni Gilbert Andres na nagsabi rin sa International Criminal Court na kahit isang motu propio investigation ang isinagawa bagamat ito ay itinatakda sa Philippine National Police Revised Operational Procedures para sa mga ganitong insidente ng karahasan.
Umaasa si Andres at ang prosecution panel sa crimes against humanity case laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na kukumpirmahin ng ICC ang kaso upang matuloy ang pagdinig nito.
“Mr. Duterte’s administration has not criminally prosecuted the police officers responsible for the government-recognized deaths of at least 3,967 drug personalities,” diin ng private counsel ng mga kaanak ng biktima ng umanong extra-judicial killings.
Sa ICC confirmation hearings, nagpakita ng pagkatuwa si ICC prosecutor at Senior Trial Lawyer Julian Nicholls nang pasalamatan niya si defense attorney Nicholas Kaufman sa isinumite nitong statement para kay Duterte.
“Everything he (Kaufman) said this morning, showed why this case should go to trial and that we have met the standard of substantial grounds for confirmation,” ayon kay Nicholls.
Sa kanyang argumento, sinabi ni Kaufman na walang ebidensya naipakita ang mga nagdedemanda na may kinalaman nga si Duterte sa mga pagpaslang.
Minaliit din ni Kaufman ang kredibilidad ng mga testigo laban sa kanyang kliyente.
