top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

Special probe body binuo para sa pagpaslang kay veteran journalist Johnny Dayang

5/1/25, 9:26 AM

Bumuo ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) upang imbestigahan ang pagpaslang kay veteran journalist Juan “Johnny” Dayang sa Aklan noong Miyerkules.

Ayon kay PTFOMS Executive Director Jose Torres Jr. ang SITG ay pangungunahan ng Aklan Police Provincial Office at sasamahan ng special prosecutor na itatalaga ng Department of Justice.

“Lahat ng anggulo ay titingnan natin,” sinabi ni Torres matapos ang pagbisita nito sa bahay ni Dayang sa Kalibo noong Abril 30.

Si 89 anyos na si Dayang ay pinagbabaril sa loob ng kanyang tahanan ng isang gunman na tumakas lulan ng motorsiklo.

Ayon kay Torres ang resulta ng imbestigasyon ng SITG ay gagawing basehang ng PTFoMS report na isusumite kay Pangulaong Ferdinand Marcos Jr.

Ang SITG ay pangungunahan ni Aklan police chief Col. ARnel RAmos, kasama si Kalibo Municipal Police Station Commander Major Frensy Andrade.

Si Dayang ay dating pangulo ng Publishers Association of the Philippines Inc. (PAPI) na samahan ng mga 500 naglalathala ng peryodiko sa buong kapuluan.

Isa rin kolumnista si Dayang ng mga dyaryong Manila Bulletin, Balita at Tempo.

Wala pang nakukuhang malinaw ang lead tungo sa pagkakakilanlan ng suspek at mastermind ang mga imbestigador.

Masusing inaalam ng mga probers ang motibo ng pagpatay sa beteranong journalist.

Kinondena ng media sector ang pagpatay kay Dayang.

Humingi ang National Union of Journalists of the Philippines ng agarang hustisya para kay Dayang ang kanyang pamilya.

Sa kanyang pahayag, hinikayat ni Torres ang publiko na maging alerto sa mga pag-atake sa mga kasapi ng news media.

“We stand in solidarity with the media community as we mourn the passing of Mr. Dayang, a figure regarded as a pillar of Philippine journalism whose contributions greatly enriched our democratic discourse,” sinabi ni Torres.

Ni Ralph Cedric Rosario

Photo from rappler.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page