top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

SC nagtitipid; Summer Session sa Manila gaganapin at hindi muna sa Baguio City

Photo from abogado.com.ph

3/24/26, 10:12 AM

Ni Ralph Cedric Edralin

Napagkasunduan ng mga mahistrado ng Korte Suprema na magtipid ng gastusin at isagawa na lamang sa Manila ang taunang summer session na dating sa Baguio City ginaganap.
Isinapubliko ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo ang desisyon na ito matapos na kunsultahin ang mga mahistrado ng korte sa en banc session kamakailan lamang.

Taunang isinasagawa sa Baguio City ang Summer Session simula pa noong 1948 sa pamumuno noon ni Chief Justice Manuel V. MOran.

Hindi naman nangangahulugan na na hindi na magaganap pa ang sesyon sa Baguio City kapag nagbalik na sa normal ang sitwasyon ng ekonomiya at enerhiya sa bansa.

Ipinaliwanag ni Gesmundo na isina-alang-alang nila ang kasalukuyang nagaganap na patuloy na pagtaas ng presyo ng nga produktong langis kahit na patuloy na sinisiguro ng Supreme court ang pagsiguro ng hustisya sa bansa.



Ang Summer Sessions ay magaganap mula Abril 6 hanggang Abril 30.

Magkakaroon ng en banc session para sa oral arguments sa mga sumusunod na kaso:

R. No. 271059, et al. (Lagman et al. v. The Congress of the Philippines, et al). – April 7 and 21, 2026, at 9:30 a.m.

R. No. 257575 (Baluyot v. Antonio-Baluyot) – April 28, 2026, at 2:00 p.m.

Nasabihan na lahat ng partido, abogado at mici curiae ng nalalapit na sesyon na magaganap sa SC session hall.

Ayon sa SC ang desisyon na paglipat ng venue ng summer session ay bahagi rin ng energy conservation measures na ipinatupad simula Marso 8 sa ilalim ng SC Memorandum Circular No. 02-2026.

The holding of Summer Sessions in Baguio City has been a longstanding tradition of the SC, dating back to 1948 during the tenure of Chief Justice Manuel V. Moran. Moving this year’s Summer Sessions to Manila does not prevent the Court from holding special sessions in Baguio once conditions return to normal.

During the Summer Sessions, the SC Justices deliberate on cases, resolve urgent motions, conduct or prepare for oral arguments, attend to committee work, and write decisions and resolutions.


Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page