LAW AND ORDER
Flood control kickback cases isinampa sa pamangkin ni ex-ES Bersamin at dating DepEd official
.jpg)
Photo from tnt.abante.com.ph
3/30/26, 6:00 AM
Ni Samantha Faith Flores
Sinampahan ng mga kasong katiwalian at pangungulimbat ng yaman ng pamahalaan si dating Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Undersecretary Adrian Bersamin, pamangkin ng nagbitiw na si Executive Secretary Luis Bersamin.
Sa mga kasong isinumite sa Office of the Ombudsman, idinawit din si dating Department of Education Undersecretary Trygve Olaivar na umanoy nagkasala ng paglabag ng Anti-Graft and Corrupt Practicesd Act at malversation.
Idinagdag pa ang mga kasong paglabag sa Code of Conduct for Public Officials laban kina Bersamin at Olaivar.
Kasama sa mga nagrereklamo ang Bagong Alyansang Makabayan, Kilusang Bayan Kontra Kurakot at iba pang mga grupong sektoral.
Sa pangungun a ni dating Rep. Teddy Casiño, hiniling mga mga grupo na maging komprehensibo at agaran ang pag-imbestiga kina Bersamin at Olaivar na umanoy sangkot sa multi-billion peso flood control scheme.
Ayon sa reklamo naisagawa ng mga inirereklamo ang kanilang krimen sa pamamagitan ng “commitment-insertion-kickback scheme” kung saan sinisiguro ng mga ito na mapasok sa pambansang budget ang mga ma-anomalyang infrastructure projects.
Sina Bersamin at Olaivar umano ang nagsilbing “bagmen” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtatabi ng parte ng pangulo sa kickback mula sa budget insertions.
“Napakalaki ng kanilang kinalaman doon sa pagnanakaw na nangyari hindi lang sa flood control anomalies kundi (pati na rin) sa iba pang infrastructure projects,” ayon kay Casino.
Bumitiw sa kani-kanilang mga tungkulin sina Bersamin at Olaivar matapos na naipagatid sa publiko ang flood control anomalies.
Sina dating Secretary Bersamin na tiyuhin ni Adrian at dating Budget Secretary Amenah Pangandaman ay sabay na umalis sa Malacañang noon naging mainit ang usaping flood control scam noong isang taon.
