top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

Fil-Am 64 taon kulong sa pagpatay ng dating ka-live-in, isa rin Fil-AmP

Photo from inquirer.net

3/14/26, 11:30 AM

LOS ANGELES, California - Pagkakakulong na 64 taon ang ipinataw ng US court sa isang Filipino-
American na napatunayang nagkasala ng pagpaslang sa kanyang dating ka-live in partner sa harap ng kanilang dalawang anak sa Daly City noong 2023.

Noong isang buwan pa hinatulan ng “guilty” si Romier Taguiam Narag, 30, sa salang first degree murder nang kanyang pataying ang dating kinakasamang si Frances Kendra Lucero 27, sa tahanan ng mga magulang ng biktima.

Nagpasya rin ang jury na nagkasala pa ng “one count of misdemeanor child abuse, one count of felony child abuse and of an enhancement for using a firearm” nang isagawa niya ang pagpaslang.

“The defendant has orphaned his own children and the devastation will last their entire lives,” ayon sa huwes na nagpataw ng sentensya.

Sa kanyang depensa, inihayag ni Narag sa pamamagitan ng kanyang abogado na nagawa niya ang krimen dahil sa matinding galit at selos sa pakikipaghiwalay sa kanya ng dating ka-partner.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni LIezel Lucero, ina ng biktima, na bagamat nakamit nila ang hustisya hindi naman ito nakapagpa-alis ng pighating sinapit ng kanilang pamilya, higit ng kanyang dalawang naulilang apo.

Pitong taon na on and off relationship ang namagitan kina Romier at Frances at nagtapos ito nang umayaw na ang babae.

Bagamat magkahiwalay na ng tirahan, nagpasya and dalawa na mag-dinner kasama ang kanilang dalawang anak noong gabing mangyari ang krimen.

Matapos ang dinner, nagmaneho na si Frances pauwi sa kanilang bahay at ito ay sinundan ni Romier na lulan ng ibang kotse.

Sa bahay, bigla na lamang binaril ni Narag ang dating ka-partner ngunnit hindi tinamaan. Tumakbo patungo sa pinto ang biktima ngunit inabutan ng salarin.

Nagsisigaw ng saklolo si Frances at dito na siya binaril ng makailang beses ng lalaki.

Habang duguan ang biktima sa limang tama ng baril, paulit-ulit na sinisisi siya ni Narag.

Pagdating sa bahay, bigla na lamang binaril ni Narag ang dating ka-partner ngunit hindi ito tinamaan.

Nagtangka si Narag na barilin ang sarili ngunit nap;igilan siya ng kapatid na kasama pala niya sa kotse.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page