top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

Bounty kay Atong Ang itinaas sa PhP20-M; ikatlong warrant inilabas ng Korte

2/12/26, 9:51 AM

Ni Samantha Faith Sabado

Itinaas sa PhP20 milyon ang cash reward para sa sinuman makapagbibigay ng impormasyon sa matagumpay na pagdakip sa wanted na negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.

Ito ay napag-alaman habang naglabas naman ang Regional Trial Court ng Branch 29 ng San Pablo City (Laguna) ng isa pang warrant of arrest laban kay Ang na humaharap sa mga kaso kaugnay ng pagkawala at pagkamatay ng maraming indibidwal na umanoy may kinalaman sa sabungan ng akusado.

Ang ikatlong warrant ay ipinalabas ng korte nitong Miyerkules, ayon kay Department of Justice spokesperson Polo Martinez.

Muli rin itinulak ng DOJ sa Supreme Court ang petisyon nitong ipalipat ng venue ang mga kaso ni Ang at iba pang kasamahang itinuturong dumukot sa mga nawawalang tao.

Dinoble sa PhP20 milyon mula sa PhP10 milyon ang reward money para sa impormasyong magiging sanhi ng pag-aresto kay Ang.

“Galing iyan sa confidential funds provided to the PNP and the DILG para sa ganyang kaso,” paliwanag ni Interior Secretary Jonvic Remulla.

Nagsimulang magtago si Ang nang dalawang korte ang nagbaba ng mga mandamyento de aresto para harapin niya ang mga kasong kriminal kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero noong 2021.

Ipinatupad ang international manhunt para sa umanoy mastermind ng pagdukot sa higit na 20 biktima na umanoy pawang mga patay na.

Ang mga katawan ng mga sabungero ay ikinalat daw sa lawa ng Taal sa Batangas matapos na sila ay patayin sa utos umano ni Ang.

Inakala ng mga awtoridad na sa Cambodia nagtatago si Ang ngunit nagpasabi ang pamahalaan ng bansa na mali ang hinalang ito.

Dahil dito, pinaniniwalaang nasa Pilipinas pa si Ang na tinatayang gumagamit ng kanyang kayamanan upang iwasan ang pagkukulong sa kanya.

“OUr records who that he is still here. Based on intelligence, there are indications that he’s still around,” ayon kay Justice Secretary Frederic Vida sa panayam sa news media nitong Miyerkules (Pebrero 11).

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page