top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

FAITH AND RELIGION

Pag-display sa public schools' ng Sampung Utos idineklarang “unconstitutional”

8/22/25, 10:33 AM

HOUSTON, Texas : Idineklarang labag sa Saligang Batas ng Amerika ang batas sa Texas na nag-aatas na maglagayng Sampung Utos ng Diyos sa lahat ng pampublikong paaralan.

Sa desisyon ni District Judge Fred Biery, idineklarang hindi naaayon sa Konstitusyon ang pagpilit sa mga mag-aaral na sumunod sa isang “relihiyosong gawain”.

Ayon kay Biery hindi naipakita ng pamahalaan ng Texas na may “mabigat at sapat na dahilan” para ipataw ang ganoong obligasyon, at hindi rin ito ginawa sa paraang tugma sa pamantayang konstitusyonal.

Dagdag pa ni Biery, puwedeng ituro sa mga mag-aaral ang kasaysayan ng Sampung Utos nang hindi pinipili ng estado ang isang opisyal na bersyon ng Banal na Kasulatan at ipinatitibay ito sa batas upang ilagay nang permanente sa bawat silid-aralan.

Binigyang halimbawa rin niya na maaaring maglagay na lang ng mga aral na moral na hindi direktang konektado sa relihiyon, tulad ng mga sipi mula sa aklat ni Robert Fulghum na All I Really Need to Know I Learned in Kindergarten.

Ang kaso ay isinampa ng isang grupo ng mga magulang para sa kanilang mga anak.

Nagpahayag naman si State Attorney General Ken Paxton na iaapela nila ang desisyon.

Ayon sa kanya, ang Sampung Utos ay “haligi ng ating moral at legal na pamana,” at ang presensya nito sa silid-aralan ay paalala ng mga pagpapahalaga para sa responsableng pagiging mamamayan.

Hindi ito ang unang pagkatalo ng mga tagasuporta ng batas na nagtatampok ng Sampung Utos sa mga paaralan.

Noong Nobyembre 2024, isang pederal na hukom sa Louisiana ang humarang din sa kaparehong batas, na tinawag niyang “sapilitan” at “labag sa Saligang Batas.”

Samantala, noong Hunyo 2024, inatasan ng estado ng Oklahoma ang mga paaralan na isama ang Bibliya sa kurikulum ng middle school at high school. Iginiit ng kanilang state superintendent na mahalaga ito sa kasaysayan at kultura upang maunawaan ang kasalukuyang kalagayan ng Estados Unidos.

Batay naman sa isang survey noong Hunyo, karamihan sa mga Amerikano ay pabor na pahintulutan ang Kristiyanong panalangin sa mga paaralan.

Ngunit lumabas din sa ibang survey na mas marami ang naniniwalang hindi ito dapat gawing sapilitan, at higit sa kalahati ang tutol na pinangungunahan ng guro ang klase sa pananalangin.

Photo from mgapaksa.blogspot.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page