top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

FAITH AND RELIGION

Jimmy Swaggart, sikat na televangelist na pinabagsak ng sex scandals, pumanaw sa edad na 90

7/3/25, 3:21 AM

Pumanaw na sa edad na 90 si televangelist Jimmy Swaggart na sumikat sa Amerika at sa Pilipinas ngunit unti-unting lumubog matapos ma-eskandalo dahil sa umano’y pakikipag-relasyon sa mga prostitute.

Inanunsyo sa kanyang public Facebook page ang pagkamatay ni Swaggart ngunit hindi idineklara ang dahilang ng kanyang pagpanaw. Inatake siya sa puso noong isang buwan.

Ang karisma ng Amerikanong si Swaggart at ma-drama niyang TV presence habang na nangangaral tungkol sa Bibliya ang naging dahilan ng kanyang popularidad sa telebisyon noong dekada ‘80s.

Umani ng maraming papuri at milyon-milyong dolyar ang kanyang TV evangelization program na ginaya naman sa maraming Kristiyanong bansa, kasama ang Pilipinas.

Ipinanganak sa Louisiana, kasama siya sa nagtaatag ng Assemblies of God na nagdesisyon ng tanggalin siya bilang kasapi matapos masabit sa sex scandal.


Nakuhanan siya ng camera kasama ang isang prostitute noong 1988 sa New Orleans. Dito nagsimula ang magkakasunod na expose sa umano’y pakikipagugnayan ni Swaggart sa mga nasabing babae.

Sa gitna ng sex scandals mula, 1980’s hanggang 1990’s, unti-unting nawalan ng ningning ang kasikatan ni Bible preacher.

Ngunit ang naging sanhi ng agaran niyang pagbagsak ay nangyari noong magbigay siya ng sermon 1988 kung saan siya lumuha at humingi ng kapatawaran sa kanyang mga kasalanan.

Ayon kay Swaggart, siya ay nagkasala sa kanyang mga tagasunod at humihingi siya ng tawad. Hindi naman niya idinetalye ang kanyang pagkakasala.

Nilisan din niya ang Assemblies of God sa taong iyon, ngunit ito ay nangyari matapos na magdesisyon ang sekta na sibakin na siya.

Ayon sa Assembliles of God tinanggalan ng posisyon si Swaggart dahil sa pagtanggi sa parusang sumailalim sa dalawang taong rehabilitation program, kasama ang suspensyon bilang preacher ng isang taon.

Galing sa kahirapan, si Swaggart mahusay na pianista at mahilig kumanta ng Gospel music.

Ayon kay Swaggart una niyang narinig ang tawag ng Diyos noong siya ay 8 taon.

Photo from trevordecker.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page