SCIENCE AND MEDICINE
Tatlo patay sa pagkain ng botete o pufferfish; alamin ang info tungkol sa isda

3/24/26, 10:30 AM
Ni Joyce Sabado
Tatlong katao ang namatay sa Cawayan, Masbate matapos na kumain ng nakakalason na pufferfish o botete noong Marso 21.
Dahil sa nangyari muling nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na walang paraan upang matanggal ang lason sa nasabing isda kung kaya’t dapat huwag nang magtangka pang kumain nito ang mga tao.
Ayon sa ulat nakaranas ng matinding pananakit ng tiyan ang tatlong biktima ilang minuto matapos na kumain sila ng butete na kilala rin sa tawag na “tikong”.
Nangyari ang insidente sa Barangay Maihao sa Cawayan.
Hindi na nailigtas ang mga biktima mataos malason.
Ayon sa mga awtoridad ang butete ay nagtataglay ng lason na tinatawa na tetrodotoxin. o TTX.
Bukod sa pufferfish, nagtataglay din ng TTX ang blue-ringed octupus at ilang klase ng shellfish.
Ang agarang sintomas ng mga nakakakain ng mga laman dagat na may TTX ay pamamaga ng bibig at dila, kasunod ng matinding sakit ng ulo, pagsusuka at panghihina. Para sa mga seryosong insidente, ang mga biktima ay mabilis na napaparalisa at nahihirapan huminga.
Wala pang antidote laban sa nasabing lason.
Higit na malakas ng 1,200 beses ang TTX kumpara sa cyanide kung ito ay makakain ng tao.
