top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SCIENCE AND MEDICINE

Publiko pinagsusuot ng face mask sa gitna ng 'masamang hangin' sa Metro Manila

4/20/26, 8:00 AM

Ni Tracy Cabrera

DILIMAN, Lungsod Quezon — Kasunod ng report mula Philippine Space Agency (PhilSA) kaugnay ng pagkalat ng toxic smoke o usok mula sa nasusunog na sanitary landfill sa Navotas, pinapayuhan ang publiko ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magsuot ng face mask sanhi ng unhealthy air o lasamang hangin sa himpapawid ng Metro Manila.
Sa anunsyo kamakailan ng Environment Bureau (EMB) ng DENR, hinayag ng ahensya na batay sa binuong mapa mula sa PhilSA, kumalat ang usok na naglalaman ng mapanganib na nitrogen dioxide (NO₂) hanggang sa Bataan Peninsula at banta ito sa kalusugan sa mga residente ng itong lungsod sa Kamaynilaan.
Tinukoy ng mga opisyal ng DENR-EMB na nasa panganib ang mamamayan na makasagap ng changing may masasayang kemikal dahil na rin sa sunog sa Navotas landfill na nagsimula noong nakaraang Abril 10 pa.
Yong sa monitoring ng ahensya nitong Sabado, nagtala ang air quality sa Caloocan, Malabon at mga bahagi sa Quezon City (Ateneo area at Commonwealth Avenue) bilang been 'very unhealthy' habang ang San Juan City at Navotas ay dineklarang 'unhealthy for sensitive groups' at ang Marikina at Valenzuela ay 'acutely unhealthy'.
Inabisuhan ng DENR ang mga pedestrian sa mga lugar na klinasipikang 'very unhealthy' na umiwas sa mga area na mayroong heavy traffic at yaong lga indibidwal ba may Sakit sa ouso o baga ay nararapat na manatili sa loob ng kanilang tahanan at iwasan muna ang paggamit ng mga sasakyan.
Sinasabihan din ang publiko na limitahan ang mga gawain sa labas ng kanilang bahay na sa mga lugar na napatalang 'acutely unhealthy' habang ang mga may respiratory disease ay punaliliita ang outdoor exertion sa lga lugar na 'unhealthy for sensitive groups'.
Nitong Sabado, Abril 18, muling nanawagan ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga residente na magsuot ng face mask sanhi ng unhealthy wind level.
“If going out cannot be avoided—especially for senior citizens, pregnant women, and those with respiratory diseases such as asthma—do not forget to wear a face mask,” inabiso ng konseho.
Bukod dito, pinay rin ng Department of Health (DoH) sa mga residente ng apektado ng lga lugar na tiyaking 'hydrated' sila.
“I told them to drink plenty of water so that they will always be hydrated. If they are dehydrated, the bad chemical will stick to their blood because they are poisonous,” pinunto ni health secretary Teodoro 'Ted' Herbosa.
Idinagdag ni Herbosa na kailangang sumailalim ang mga apektadong komunidad sa blood sampling sa kanilang toxicology center para sa pagsusuri dahil “kapag mataas ang blood level, (. . .) masama ito sa kalusugan.”
Sa Navotas City, nagpatayo na ng isang road dike na kokonekta sa Navotas sanitary landfill upang mapabilis ang pagpatay sa sunog na hanggang ngayon ay buhay pa.
“The dumping of mud from the sea is being carried out to cover the burning sections of the landfill. The excavated mud is placed on top of the garbage to help put out the fire and reduce the thick smoke,” ayon sa alkalde.
“We understand the concern of our fellow citizens, and we are taking all necessary steps to resolve this as quickly as possible. You can expect continuous updates from us,” dagdag pa nito.

Photo attachment: ba8f5ef3-6bad-4d53-87e2-2d97427ccdf4.jpeg

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page