top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SCIENCE AND MEDICINE

Pekeng anti-rabies vaccines: Paano mabubuko

3/28/26, 12:15 PM

Nagbabala ang Department of Health at Food and Drug Administration laban sa mga pekeng anti-rabies vaccines na tiyak na magdudulot ng kamatayan para sa mga taong nakagat ng hayop na impektado ng rabies.

Ayon sa DOH mayroon nang mga bogus na bakuna laban sa mapanganib na rabies o virus na nanggagaling sa mga hayop.

Kasama sa pinanggagalingan ng rabies ay mga alagang aso o pusa. Maaaring ma-impeksyon ng rabies kung ang hayop na rabid ay makakakagat o makakakalmot ng isang tao.

Bagamat naiineksyonan na rin ang mga alagang pets ng anti-rabies vaccines, pinapayuhan pa rin ng mga doktor na ikonsulta sa mga certified Animal Bite Treatment Centers ang kagat o kalmot na galing sa mga alaga.

Ngunit hindi pa rin sapat ang ganitong pag-iingat laban sa rabies, ayon sa DOH at FDA.

Dapat pa rin maging matalino o mapanuri ang mga tao at mga ABTC upang maprotektahan ng lubusan ang kalusugan.

Ayon sa DOH higit na mahal o pareho lamang ang presyo ng mga fake vaccines kumpara sa genuine na produkto.

Upang makasiguro, dapat suriin ng mga ABTC ang FDA product registration at license to operate ng mga gumagawa o supplier ng animal bite center ang bakuna.

Suriin din kung buo o sira ang seal ng bakuna.

Kadalasan ang mga print sa karton o vials ng pekeng bakuna ay malabo.

Dapat umanong tingnan din kung kelan ang expiry date at huwag pumayag mabakunahan ng gamot na expired na.

Inaanyayahan ng DOH na bumisita sa mga ABTC ng ahensya ang mga nais ma-proteksyonan ng bakuna mula sa kagat o kalmot ng mga hayop.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page