top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SCIENCE AND MEDICINE

Gamot na karaniwang nirereseta sa inatake hindi epektibo; posibleng makamatay ng kababaihan - ayon sa pag-aaral

9/1/25, 8:32 AM

Hindi umano epektibo sa kababaihan ang isang uri ng gamot sa hypertension na dating rekomendado para sa mga taong inatake na sa puso.

Ito ay ayon sa kinalabasan ng kakaiba at bagong pananaliksik ng mga eksperto.

Ayon kay Dr. Valentin Fuster, pangulo ng Mount Sinai Fuster Heart Hospital sa New York City, lubhang mahalaga ang natuklasan ng kanilang grupo at inaasahan babaguhin nito ang mga alituntunin para sa paggamit ng mga gamot na beta-blockers sa international community.

Sa loob ng apat na dekada ang mga beta-blockers ay rekomendadong gamot para sa mga pasyente na nagkaroon ng hindi komplikadong myocardial infarction of atake sa puso.

Muling ineksamin ng grupo nina Dr. Fuster sa “REBOOT Trial” ang epekto ng pag-inom ng beta blockers at dito nila nadiskubre na peligroso pala ang ganitong uri ng gamot para sa mga kababaihan.

Sa pananaliksik, nadiskubre sa “REBOOT Trial” na nakamamatay ang mga beta blockers sa ilang kababaihan ngunit hindi sa mga lalaki.

Ayon sa Google ang ilang klase ng mga beta blockers ay makikilala sa kanilang mga generic names bilang Atenolol, Bisoprolol, Carvedilol, Labetalol, Metoprolol, Propranolol at Sotalol.

Sa pag-aaral na inilathala sa European Heart Journal, napagalaman na ang mga kababaihang may maliit na diperensya sa puso matapos atakihin ay kadalasang nireresetahan ng beta-blockers.

Ngunit itinuturo rin sa pag-aaral na malaki ang posibilidad na muli silang atakihin at may tatlong ulit na mamiligro sa kamatayan kumpara sa mga kababaihang hindi pinaiinom ng beta blockers.

Ayon kay Dr. Borja Ibañez, ang lead study author, higit na peligroso ang mga kababaihang umiinom ng mataas na dosage ng beta-blockers.

Nilinaw naman sa pagsisiyasat na ang ganitong resulta ay para lamang sa mga kababaihang may left ventricular ejection fraction na mataas sa 50%.

Ang ejection fraction ay paraan ng pagsukat kung gaano kalakas ang kaliwang bahagi ng puso sa pagbomba ng oxygenated blood sa buong katawan.

Bukod sa hindi katanggap-tanggap na epekto ng beta blockers, ang mga ito ay nagsasanhi rin mababang blood pressure, low heart rate, erectile dysfunction, pagkahapo at pagka-masungit, ayon naman kay Dr. Andrew Freeman, director ng cardiovascular prevention and wellness sa National Jewish Health sa Denver, Colorado.

“When using these meds, we must always balance risk versus benefit,” dagdag ni Freeman.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page