top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SCIENCE AND MEDICINE

DoH pinangunahan ang mga barangay sa paglaban sa measles-rubella

3/9/26, 8:35 AM

Ni Tracy Cabrera

SANTA CRUZ, Maynila — Pinangunahan ng Department of Health (DoH) ang mga barangay sa National Capital Region (NCR) upang mapaghandaan ang pagpapaigting ng Ligtas-Tigdas Campaign na may layuning tugunan at labanan ang pagkalat ng sakit na measles at rubella sa Metro Manila at mga karatig lalawigan ng Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan.

Sa tatlong-araw na pagpupulong sa mga punong barangay, kagawad at iba pang mga stakeholder, napagsang-ayunan ng mga nagsipagdalo na magtatag ng mahigpit na koordinasyon upang matagumpay na malabanan ang nabanggit na mga karamdaman.

Sumentro ang usapan sa isinagawang komperensya sa kasalukuyang situwasyon ng pagkalat ng measles-rubella sa NCR at gayun din ang pagsusuri sa stratehiya ng Ligtas-Tigdas Campaign upang matukoy ang gagampaning bahagi ng mga barangay sa Supplemental Immunization Activity ng DoH at gayun din sa pagkakaroon ng isang communication plan para sa buong rehiyon.

"(Our) initiative seeks to strengthen coordination among local governments ahead of the Ligtas-Tigdas Campaign scheduled for June 2026. Through this collaborative effort, (we) aim to safeguard children against measles and rubella via vaccination," pinunto ni DoH - NCR director Dra. Gloria Balboa.

Tinugon naman ito ng mga dumalong opisyal ng barangay ng kanilang full commitment na inaasahan makakatulong na mapaigting ang vaccination coverage sa mamamayan sa Kalakhang Maynila at kalapit na lalawigan.

Si Dra. Gloria Balboa ng DoH-NCR.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page