top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Willie Revillame balik TV5, inaming nagpakawais na

Photo from bandera.inquirer.net

4/29/24, 7:45 AM

Magbabalik na sa telebisyon ang TV host na si Willie Revillame matapos siyang pumirma ng kontrata para sa joint venture ng kanyang production outfit at MediaQuest na pagmamay-ari ni Manny V. Pangilinan.

Tinuldukan ni Willie ang ilang buwang spekulasyon para gawing opisyal ang kanyang comeback sa TV5 kung saan din umere ang kanyang programa mula 2010 hanggang 2013, bago siya lumipat sa GMA Network.

"Ito ho nagbabalik ako. No bitterness, no hatred in my heart. Marami nang nasabi na kung anu-ano pero para sa akin wala, natural lang ‘yun. Kasama sa buhay ‘yan," sabi ni Willie sa contract signing.

Napakahalaga aniya sa buhay ang pagiging smart o wais. "Be smart dito sa TV5," dagdag niya.

Present sa pirmahan ng kontrata ang mga big boss ng nasabing network tulad nina TV5 President Guido R. Zaballero at MediaQuest President Jane Basas.

Hindi pa nagbigay ng karagdagang detalye ang nasabing host sa game show na gagawin niya sa TV5, pero diretso brainstorming na raw sila para makapagpasaya ng mga manonood.

Nangako rin siyang tutulong siya sa TV5 para lalo pang palakasin ang Kapatid network.

"Hindi lang ‘yung bagong programa ko ang aalagaan ko, even TV5. Kung anong maitutulong ko sa TV5, kung anong creativity, ideas, kahit walang bayad, I’m willing to do that," saad niya.

Bago nito, napabalitang magbabalik-telebisyon si Willie sa pamamagitan ng government-owned networks na IBC-13 at PTV-4.

bottom of page