top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

VIRAL: Pagkalalaki ni Piolo dinakma ni Whang-Od, netizens nagalit

Photo from bandera.inquirer.net

3/13/24, 8:39 AM

Ni MJ Blancaflor

Pinuntirya ng kritisismo online ang mambabatok ng Norte na si Apo Whang-Od matapos niyang hipuan ang aktor na si Piolo Pascual na nakunan pa sa YouTube video ng aktor.

Dumayo si Piolo sa Buscalan, Kalinga Province kasama ang kanyang kapatid na si Pochie para personal na makipagkita at magpalagay ng tattoo kay Whang-Od, 107-anyos na tattoo artist at itinuturing na pinakamatandang mambabatok sa bansa.

Makikita sa video na hinawakan ni Whang-Od ang maselang bahagi ng katawan ni Piolo habang kapwa sila nakaupo.

Wala nang nagawa ang aktor kundi matawa na lamang habang nagtilian naman ang ibang taong nakakita nito.

Kita rin sa video na namula ang pisngi ni Papa P.

Ikinagalit ito ng mga tagahanga ni Piolo at ilang social media users. Anila, isang uri ng harassment ang ginawa ng tattoo artist.

Ipinunto nilang hindi dapat baliwalain ang gawaing ito, lalo na sa panahon ngayon na may mga batas nang nagbabawal sa pambabastos.

Sey pa ng ilan, kung matandang lalaki raw si Whang-Od at sa babaeng artista ito ginawa, tiyak na magagalit din ang mga tao.

Meron din namang mga natawa at nainggit sa tattoo artist lalo pa't gwapong-gwapo naman talaga si Papa P.

Lumutang din ang larawan ng ilang lalaki na dumayo rin sa Kalinga at “nabiktima” rin umano nang pangdadakma ni Whang-Od.

Sa ngayon, wala pang reaksyon ang kampo nina Whang-Od at Piolo ukol sa kontrobersya.

bottom of page