top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Tropeong FAMAS bilang best child performer ibinenta ni Niño Muhlach ng PHP500K

Photo from bandera.inquirer.net

5/15/24, 11:17 AM

Sa halagang PHP500,000 ibinenta ng aktor na si Niño Muhlach ang FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) best child performer na nakamit niya limang dekada na ang nakakaraan.

Ang tropeo galing sa prestihiyosong award-giving body sa pelikula ay binili ng kilalang social media creator na si Boss Toyo kamakailan lang.

Naging bantog bilang ‘child wonder of the Philippines”, pinuntahan ni Muhllach si Boss Toyo sa kaniyang Pinoy Pawnstars upang ialok ang tropeo na nagpatunay ng kagalingan ng dating child actor sa pag-arte.

Tinawaran ni Boss Toyo ng PHP100,000 ang tropeo ngunit ito ay inayawan ni Muhlach. Sa huli ay nagkasundo ang dalawa sa halagang PHP500,000.

Ayon kay Boss Toyo dati na niyang nilapitan si Muhlach upang alukin na bilhin ang isa sa mga FAMAS trophies na napanalunan niya noong aktibo pa siya sa pelikula.

Inimibita ng mangangalakal ang aktor na dumalaw sa kanyang shop ngunit hindi ito pina-unlakan ni Muhlach sa unang pagkakataonl.

Ngunit kalaunan ay nag-desisyon si Muhlach na ibenta ang kanyang tropeo .

“Kailangan alagaan niya at i-restore na parang bago at ilagay sa museum niya,’ sinabi ni Niño.

Si Niño ay parang katulad ni Aiza Ceguerra sa kasikatan noong musmos pa lamang. Nakagiliwan siya dahil sa pagiging bibo at cute na bata.

Noong mag-mature, hindi na masyado lumabas sa mga pelikula si Niño ngunit naaalok naman siya na gumanap sa mga television series.

Kasalukuyan siyang gumaganap bilang Baste sa “FPJ’s Batang Quiapo>”

bottom of page