top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Sumasayaw, mas magiliw na Lola Basyang bibigyan buhay ni Mitch Valdez sa entablado

Photo from bandera.inquirer.net

5/11/24, 5:15 AM

Mabubuhay na muli ang paboritong mananalaysay na si Lola Basyang ngunit higit siyang magiging moderno at masigla sa katauhan ng beteranang komedyante na si MItch Valdes.

Sa ika-26 season ng ballet na “Tatlong Kuwento ni Lola Basyang” na isasadula ng Ballet Manila, si Valdes ang napiling gumanap sa modernong Lola Basyang, ang penname ng kilalang manunulat na si Severino Reyes.

Sa mga kwento ni Lola Basyang, naging karakter ang magiliw na abuela na nakaupo sa kanyang tumba-tumba habang nagkwekwento ng mga istoryang nagustuhan ng mga kabataan.

“Lola Basyang of this time. Not the Lola Basyang before,” ito ang pagsasalarawan ni Mitch sa makabagong lola na kanyang magiging papel sa stage.

Sinabi ni Valdes na sa entablado, makikitang kumakanta at sumasayaw si Lola Basyang sa halip na nakaupo lamang sa kanyang rocking chair.

‘This is my 53rd year in showbiz, I am excited for a new audience: the ballet audience, the theater and the young people,” ayon sa kanya.

Ang sikat na ballerina na si Lisa Macuja Elizalde ang artistic director ng ballet production.

Sinimulan ngayon araw (Mayo 11) ang pagsasadula ng ng :”Tatlong Kuwento ni Lola Basyang.

“It is ballet for the whole family. There is singing, dancing, storytellling, drama, romance, comedy everything. There is action everything. it is a whole complete package” palliwanag ni Macuja-Elizalde.

bottom of page