

ENTERTAINMENT
Sharon Cuneta magbabalik ABS-CBN para sa bagong teleserye

Photo from bandera.inquirer.net
7/4/24, 10:45 AM
Muling mapapanood ng publiko si Megastar Sharon Cuneta sa teleserye.
Inanunsyo ng ABS-CBN ang pagbabalik-telebisyon ni Sharon sa isang red-carpet rollout event noong Miyerkules, kung saan siya ay sinalubong ng mga executive ng ABS-CBN na sina Chief Operating Officer Cory Vidanes, Star Magic head Laurenti Dyogi, at mga pinuno ng Dreamscape Entertainment na sina Kylie Manalo-Balagtas at Rondel Lindayag.
"Kaya po ako nandito kasi may bago akong sorpresa sa inyo. I wouldn’t say there’s more pressure. I would say there’s more desire. Who wants to be anywhere else but home?" sabi ni Sharon sa isang video na inilabas ng ABS-CBN.
Hindi pa isinasapubliko ng ABS-CBN ang mga detalye ng bagong teleserye, pero ayon kay Sharon ay makakatrabaho niya ang ilang bigating personalidad.
Ilan din sa kanyang co-star ay makakatrabaho niya sa unang pagkakataon.
"I will give my best to this project, and lalo na since dalawang taon po akong nagpahinga sa TV. I'm really excited," sabi niya.
Huling napanood si Sharon sa family drama na "Mother of Two" kasama si Alden Richards para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023.
Bago nito, naging bahagi siya ng TV series na "FPJ's Ang Probinsyano" kasama si Coco Martin noong 2022.
Nagpahinga ang Megastar sa TV series dahil sa kanyang kalusugan, partikular na ang kanyang hip injury.
