top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Rufa Mae Quinto susuko na at agad magpipiyansa, ayon sa abogado

Photo from bandera.inquirer.net

12/3/24, 3:04 PM

Inaasahan ngayon Martes (Disyembre 3) ang pagsuko sa awtoridad ng comedienne na si Rufa Mae Quinto na nahaharap sa mga criminal cases na isinampa sa DermaCare at kinasasangkutan din umano ng aktres na si Neri Naig-Miranda

Nakikipag-coordinate na rin umano ang mga abugado ni dating Senador Manny Pacquiao sa Securities and Exchange Commission at sa mga korte upang alamin ang mga kaso.

Nabanggit ang mga pangalan ni Rufa Mae at Pacquiao sa mga balita tungkol sa pagdakip kay Neri dahil sa mga ipinalabas ng dalawang korte na mga warrants of arrest laban sa aktres na asawa ng sikat na Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda.

Ayon kay lawyer Mary Louise Reyes, abogado ni Rufa Mae, nahaharap ang kanyang kliyente sa 14 counts ng paglabag sa Section 8 ng Securities Regulation Code dahil sa mga kasong legal ng Dermacare.

Ngunit hindi katulad ni Neri, si Rufa Mae ay walang kasong syndicated estafa kung kaya maaari siyang maglagak ng piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Ipinahayag ni Reyes na agad-agad na mag-pipiyansa si Rufa Mae matapos na sumurender sa mga pulis.

Idiniin nito na walang kiinalaman ang komedyante sa operasyon ng Dermacare at isa lamang siyang ‘brand ambasador, a model endorser.”

Si Pacquiao ay isa rin sa mga pamosong indibidwal na nag-endorso ng DermaCare.

Dinakip ng pulisya si Neri noong Nobyembre 23 at patuloy pa rin naka-detine dahil walang piyansang nirekomenda para sa syndicated estafa na kanyang umano’y kinasasangkutan.

Para naman sa 14 counts ng paglabag ng SRC, PHP126,000 ang piyansa sa bawat isa sa mga kaso o aabot sa PHP1.76 milyon sa kabuuan.

Ganitong halaga rin ang piyansa para kay Rufa Mae.

bottom of page