

ENTERTAINMENT
Rufa Mae Quinto nagluluksa sa pagkamatay ng estranged hubby

Photo from bandera.inquirer.net
7/31/25, 10:40 AM
Nagluluksa ang comedienne na si Rufa Mae Quinto dahil sa pagpanaw ng kanyang asawang si Trevor Magallanes.
Bumuhos ang taimtim na pakikiramay kay Rufa at sa kanyang pamilya ang maraming celebrities, kaibigan at netizens matapos na mabalitaan ang pagkamatay ni Magallanes.
Ibinahagi ni Rufa sa social media ang larawan ng kabiyak, kasama ang kanilang anak na si Athena.
Hindi naman sinabi ng aktres kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng asawa.
Hindi na magkasama bilang mag-asawa sina Rufa at Trevor ngunit ayon sa aktres, mahal pa rin niya ang kanyang asawa.
Napangasawa ni Rufa ang non-showbiz na si Trevor ilang taon na rin ang nakakaraan at ang dalawa ay ikinasal sa Estados Unidos.
Bago umamin si Rufa na hindi na maganda ang relasyon sa asawa, naglabas na ng Instagram post ang huli na nagsabing gumagana na ang divorce proceedings upang ipawalang bisa ang kanilang kasal.
Pinasinungalinan naman ito ni Rufa nang siya ay lumabas sa “Fast Talk with Boy Abunda” ilang buwan na ang nakararaan.
Inamin namanniya na nais na ng asawa na umalis sa kanilang relasyon na nagbunga ng isang anak.
Ayon kay Rufa, hindi siya naniniwalang may ibang babae na namamagitan sa kanilang relasyon ni Trevor.
