top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Rommel Padilla umaasang magkakabalikan sina Daniel, Kathryn

Photo from bandera.inquirer.net

5/13/24, 4:40 AM

Umaasa pa rin si Rommel Padilla na magkakabalikan ang kanyang anak na si Daniel Padilla at dating kasintahan nitong si Kathryn Bernardo.

Sa panayam niya na ipinost sa TikTok ng Stars Photog, sinabi ng dating action star na ipinagdarasal niyang magkaayos ang dalawa dahil normal lang naman daw na nasusubukan ang tibay ng isang relasyon.

"Dumadating ‘yung puntong nagkakasubukan. Pero para sa akin, I still pray na sana dumating ‘yung panahon na magkita sila ulit, magkaunawaan dahil napakalaking panahon ‘yung nilaan nila sa pagmamahalan nila," ani Rommel.

"Kaya ipinagdarasal ko na sana manumbalik pa ang kanilang pagmamahalan," dagdag niya.

Payo pa ni Rommel, makabubuting magmuni-muni muna ang dalawa habang magkahiwalay sila.

"Dapat bang the same? Dapat ba tayong magkabalikan? I guess ito ‘yung time na ‘yun eh. Makikita nila sa mga darating na araw," sabi niya.

Tumagal ng halos 11 taon ang relasyon nina Daniel at Kathryn.

Inanunsyo nila sa publiko ang kanilang hiwalayan noong Nobyembre 2023.

"Like any other relationship, we tried our best to make it work. We've been drifting apart for a while now, and we ultimately had to accept that we can't go back to where we used to be. It just won't be fair to pretend that everything is still the same," ayon kay Kathryn.

bottom of page