top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Regine Velasquez sa pagiging National Artist: 'Hindi ko pa panahon'

Photo from bandera.inquirer.net

4/12/24, 5:58 AM

Kung si Asia's Songbird Regine Velasquez ang tatanungin, hindi pa raw niya panahon para itanghal na National Artist.

Ipinagpapasalamat ng beteranang singer ang panawagan ng ilan ng igawad sa kanya ang naturang parangal, pero naniniwala siyang may ibang musicians na mas "qualified" para rito.

"I don’t think I’m qualified yet but I would want Pilita Corrales as a National Artist, Jose Marie Chan," ani Regine sa panayam ng ABS-CBN.

"Parang hindi pa, hindi ko pa ‘yun panahon ngayon kaya huwag na muna," dagdag niya. "Meron pang mas qualified sa akin and I still have a long way to go. But I appreciate — and 'yung nagpu-push, very much."

Sabi pa ng 53-anyos na si Regine, karapat-dapat din ang ilang artista tulad ni Nora Aunor na matanggap ang ganoong pagkilala.

"Mas maraming iniisip na dapat sila tulad nina Nora Aunor. You know what I mean? Those are the people who should be in there and sana mailagay sila d’un habang buhay pa sila," saad niya.

Trending kamakailan si Regine sa social media matapos pag-usapan ng ilang netizens ang pagkilalang ibinigay sa kanya ng Billboard Philippines' Women in Music awards ceremony noong Marso.

Sabi ng ilan, dapat na siyang hirangin bilang National Artist dahil sa talento at ambag niya sa larangan ng musika.

bottom of page