top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Piolo bakit ayaw magka-gf kahit 13 years ng single?

Photo from bandera.inquirer.net

1/9/25, 3:52 PM

Kahit 13 taon na siyang single, ibinunyag ni Piolo Pascual na hindi pa rin siya naghahanap ng magiging girlfriend sa ngayon.

Nai-chika ni Papa P ang lagay ng kanyang puso sa "Toni Talks" interview kasama ng dati niyang leading lady na si Toni Gonzaga.

"Ang tagal na, eh. ‘Di ko na alam ‘yung lovelife, eh," natatawang sabi ni Piolo sa panayam.

May mga nagsasabi na nga raw sa kanya na mahihirapan na siya talagang magkaroon ng lovelife dahil sa tagal niyang single.

"Lovelife ko talaga ‘yung trabaho ko," pag-amin niya.

Tanong naman ni Toni, "So, ayaw mo na ng full-on commitment?"

"Not for now," sagot ni Piolo,

Natawa ang aktres. "PJ, not for now, 21 years old ka ba?"

Ipagdiriwang ni Piolo ang kanyang 48th birthday sa Enero 12.

"Busy pa ako sa career ko," natatawa namang sagot niya.

"Totoo kasi, eh. You know, I love being single. I don’t see the point of being with someone, especially now because I’m so busy with work," dagdag ng aktor. "I’m always with friends, I’m always with my family. And it’s not something that you know, I look for because… eh, nasanay na, eh."

Nang tanungin kung ano ang mga katangian ng dream girl niya, ito naman ang sagot niya: "Christian muna," ani Piolo. "Family-oriented, siyempre, dapat ‘yung mabait. Hindi full of herself. Hindi ‘yung ‘me, myself, and I."

At doon nabuking na niligawan pala niya noon si Toni pero hindi raw siya sinagot.

bottom of page